^

Pang Movies

Nadine, pumirma ulit ng kontrata

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pang-masa
Nadine, pumirma ulit ng kontrata
Nadine
STAR/ File

Isa rin si Nadine Samonte sa pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.

Matagal ding nagpahinga ang StarStruck season one avenger bago ito ulit nagbalik sa kanyang home network.

Ibinahagi naman niya ang kung paano siya nagdesisyong bumalik ulit sa GMA 7 matapos ang kanyang mga guesting.

“Actually, after my third child sabi ko it’s my time to shine again. So, parang ‘yun ‘yung time na nung nag-guesting na ako.

“Sabi ko, this is it! Ito na talaga.”

Nang makita raw niya ang GMA executive na si Ms. Annette Gozon-Valdes ay iyon na raw ang kanyang sign para magbalik na siya sa showbiz.

Dagdag pa niya, “I know for sure nung nagkita uli kami ni Mam Annette sa isang event, sabi ko, ‘I think this is the sign.’”

At hindi naman siya nagkamali dahil may proyekto na agad siyang ginagawa ngayon na The Missing Husband kasama sina Yasmine Kurdi, Rocco Nacino at Jak Roberto.

Beautederm, may bago na namang tindahan!

Nag-text si Rhea Tan ng Beautederm na nasa GenSan siya dahil may binuksan na naman tindahan para sa mga Beautederm products.

Umabot na nga hanggang HK, Canada at USA dahil balita nga na very effective at talagang gustung-gustong gamitin ang mga produkto nito

Suwerte talaga ni Rhea Tan na sa sandaling panahon boom agad ang products.

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with