^

Pang Movies

Zeinab, naisahan ang followers sa kanyang house tour

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Zeinab, naisahan ang followers sa kanyang house tour
Zeinab

Ipinasilip ng content creator na si Zeinab Harake sa kanyang vlog ang kanilang bahay na tinutuluyan sa Lebanon.

Ito ang pinaka-unang beses na ipinakita niya ang bahay na iyon kung saan nagmula ang tatay niya.

Makikita sa vlog niya kung gaano kataas ang kinatatayuan ng bahay na nasa bundok at napakaganda ng view noon. May titulong House Tour In Lebanon ang nasabing vlog.

Kasama rin nila ang kanyang tatay sa vlog at lutang ang pagiging close ng dalawa na inamin ng vlogger na daddy’s girl daw talaga siya.

Ang bongga talaga ng bahay na napakalaki at may napakaraming kwarto. Meron din itong swimming pool na ayon kay Zeinab ay paborito niyang tambayan.

Pero sa huling parte ng vlog ay sinabi niya na prank lamang ito dahil pinagbigyan niya ang followers sa request ng mga ito na prank content. Mukhang marami siyang napaniwala sa kanyang prank dahil hindi nga naman imposible na may ganito sila kalaking bahay.

Nirentahan lamang daw pala nila ang Airbnb at wish nga raw niya magkaroon sila ng ganito kalaking bahay pero aniya mas pipiliin pa rin daw niya ang kanyang home country na Pilipinas kung saan siya lumaki. Masaya naman daw siya na nakapunta silang magkakapatid sa Lebanon bago pa siya tumanda nang tuluyan at nagpasalamat siya sa lahat ng kanyang blessings.

vuukle comment

ZEINAB HARAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with