^

Pang Movies

Young actress, tago ang kamalditahan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Lumabas ang pagiging maldita ng isang young actress (YA) nang mura-murahin niya ang medyo baguhang female star (FS) na nakasama niya sa isang series.

Nagbibida na si YA habang si FS eh gumagawa pa lang ng pangalan pero marami na itong karanasan sa acting nung bata pa siya.

Nagkasama sina YA at FS sa isang natapos nang series. Kontrabida ni YA si FS.

Pero rehearsals pa lang ng gagawin nilang eksena, may mura nang sinasabi si YA kay FS. Nagtaka si FS sa ginagawa sa kanya ni YA.

Hindi na lang nagsalita o gumanti si FS kay YA. Tinapos na lang nila ang eksena at nanahimik na lang si FS.

Kapag nagkikita raw sina YA at FS, sweet-swee­­t-an si YA kay FS na parang hindi alintana ang ginawa niya sa baguhan.

May patagong maldita image si YA. Hindi lang umiimik ang binu-bully niyang kasama sa trabaho.

Erik, naiparinig pa sa nanay ang bagong kanta

Ulila na sa ina’t ama ang singer na si Erik Santos.

Kaya naman sa panahong buhay pa ang magulang ni Erik, naging kakampi niya ang magulang sa hamon ng buhay lalo na noong nagsisimula pa lang siya bilang singer.

Bago mamatay ang ina, naiparinig ni Erik ang latest song niyang Hanggang Sa Muli. Bale alay rin niya ito hanggang sa muli nilang pagkikita.

Ang journey ni Erik bilang singer ay ilalahad niya sa nakalapit niyang concert na Milestone sa Oct. 6 sa Mall of Asia Arena.

Ang isang sorpresa niya sa fans ay ang reenactment ng bakbakan nila ni Sheryn Regis sa singing contest nilang One In A Million na talaga namang nagustuhan ng mga tao.

Isa si Sheryn sa guests ni Erik sa concert at meron pa siyang surprise guest. Nakausap ng Marites University si Erik at panoorin ninyo ‘yon!

vuukle comment

ERIK SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with