^

Pang Movies

Willie, nalilibot na ang lahat ng network

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Willie, nalilibot na ang lahat ng network
Willie
STAR/ File

‘Di umepek sa digital...

Mukha ngang makakabalik na si Willie Revillame sa free TV matapos niyang umalis sa AllTV,  at ‘di makabalik sa GMA 7 at TV5.

Talagang ngang may negotiations na siya sa PTV 4, dahil nakasama niya dati sa ABS-CBN at maging sa TV5 ang general manager ngayon ng government station, si Anna Puod.

Sinabi ni Anna na nang maging GM nga raw siya ng PTV, at napag-usapan na nila ni Willie ang posibleng pagbabalik noon sa free TV, pero may duda raw si Willie sa reach ng government station. Pero ngayon kausap na rin nila si Jose Policarpio na siyang presidente ng IBC 13, na alam naman nating under government control pa rin dahil nakuha iyan ng PCGG, mukhang nagkakasundo sila sa simulcast ang show ni Willie sa PTV 4 at sa Channel 13, pero hindi siya babangga sa noontime slot kundi 5:00 to 6:30 ng hapon.

Bale siya ang pre-programming ng kanilang evening newscast.

Magandang bukas na iyan para kay Willie na matagal din namang na-miss ng mga walang internet simula noong umalis siya sa GMA.

Hindi rin naman kasi siya masyadong nasundan sa AllTV na noon ay naka-test broadcast pa lamang.

Ang magiging problema lang ni Willie ay ang kakulangan ng equipment ng IBC 13 na napabayaan nang husto simula nang i-sequester iyon ng PCGG.

Iyong PTV 4 naman ay medyo naiwan din ng panahon, dahil sa kakulangan ng budget. Marami nga silang mga tauhan na nag-alisan na sa network dahil sa ilang problema, at wala ring makabagong equipment.

Pero kung papasok nga sa dalawang istasyong iyan si Willie, aba malalagay sila ulit sa mapa ng telebisyon.

Ang aabangan ngayon ay kung makakatulong siya na magkaroon ng rating ang dalawang government network dahil ganyan din ang sinabi niya noon sa ALLTV.

Ngayon masasabing maiikot na talaga lahat ng network sa Pilipinas.

Lovelife ni KC, pinakikialaman nga ba?

Sumisingaw na ang mga problema sa pagitan nina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Ganoon din naman ang naging dahilan ng pag-unfollow ni KC sa kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie Pangilinan.

Talagang hindi naman lihim na matagal na ring may samaan ng loob ang mag-ina.

Ngayon ang tila pinag-ugatan naman ng lahat, hindi raw pabor pati sina Kiko at Frankie sa boyfriend ni KC Na si Mike Wuethrich. Kung bakit ay hindi natin alam. Ang sinasabi naman ni KC, nasa tamang edad na siya at alam na niya kung ano ang kanyang ginagawa. Sabi pa nga niya in the past lagi naman siyang sumusunod kung ano man ang kagustuhan ng kanyang pamilya.

At saka bakit nga naman pakikialaman pa nila ang lovelife ni KC eh nasa edad na rin naman iyon.

‘Yan ay kung totoo ngang ayaw nila Sharon sa boyfriend nito ngayon.

Aiko, naangasan sa isang aktor na katrabaho ni Andre?!

Pinag-uusapan nila na masyado raw mayabang ang isang actor kaya nga pati si Aiko Melendez ay hindi nakapagpigil na mag-post ng mga bagay-bagay tungkol doon.

Pero inalis din naman daw ni Aiko dahil marahil ay napakiusapan siya ng anak na si Andre Yllana na huwag na lang kumibo. Kasama kasi ni Andre sa isang show ang actor na tinutukoy ni Aiko na “wala ka pa namang napapatunayan kahit na sa sarili mo.”

Maraming nagsasabing may kayabangan nga raw ang actor, at medyo mabigat kung magsalita kaya hindi nabibigyan ng break dahil marami nga rin ang inis sa kanya.

Pero may mga nagsasabi namang mabait siya at minsan ay misunderstood nga lang.

Tipo lang daw maangas talaga ang dating pero mabait naman iyon. Pero may mga kasama siya sa dati nilang network na nagsasabing mahirap talaga siyang kausap, at masyadong mataas ang tingin sa kanyang sarili.

WILLIE REVILLAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with