^

Pang Movies

Angelica at Gregg, sa Australia pakakasal?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Angelica at Gregg, sa Australia pakakasal?!
Gregg, Bean at Angelica
STAR/ File

Malapit na bang ikasal si Angelica Panganiban sa fiancé niyang si Gregg Homan? Kasalukuyang nasa Australia sina Angelica at Gregg with their loved ones, at doon nag-celebrate ng birthday niya si Gregg.

Sa birthday greetings ni Angelica kay Gregg, last Thursday, Sept. 7, which she shared sa kanyang Instagram page, sinabi niyang she looks forward to tying the knot with her fiancé na tinawag niyang her “forever.” Ipinakita rin niyang kasama sa photo ang daughter nila ni Gregg na si Amila Sabine na tinatawag nilang Bean.

“Happy birthday to my forever, the best teammate ever. I love doing life with you and I can’t wait to make it official. Wuv you dada,” dagdag pa ni Angelica.

Jean, naghihintay ng tamang lalaki

Matagal-tagal ding hindi napanood si Jean Garcia sa mga teleserye ng GMA, pero ngayon nagbabalik siya sa special limited series na Maging Sino Ka Man, na magtatampok kina Barbie Forteza at David Licauco. Gagampanan niya ang mother ni Barbie. Second time na nila ni Barbie magkasama sa serye, una rito ay sa Half-Sisters.

Kaya nang mag-guest si Jean sa Fast Talk with Boy Abunda, ang natanong sa kanya ni Boy ay ang pagiging single niya, kung happy raw siya sa kanyang sitwasyon? “Yes, at ang pinakamasayang parte ng pagiging isang single ay wala siyang ibang inaalagaan,” sagot ni Jean. “Sarili mo lang ang aalagaan mo at iyong mga tao lamang na gusto mo talagang alagaan. Ang ayaw ko ay iyong mga lalaking very childish at matitigas ang mga ulo.”

Sa tanong kung gaano kasaya si Jean ngayon, ang sagot niya “10.” Ipina-complete naman ni Boy kay Jean ang “Maging sino ka man,” sagot ni Jean: “Maging Sino Ka Man nandito lang ako, naghihintay. Sana dumating ka na sa lalong madaling panahon.”

Tomorrow, Sept. 11, ang world premiere ng Ma­ging Sino Ka Man sa GMA 7, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras at sa GTV, at 9:40 p.m.

Julie Anne, natupad ang pangarap sa Israel

Very busy ang schedules ni Limitless Star Julie Anne San Jose. Kababalik lamang niya from Canada for a series of shows doon with boyfriend Rayver Cruz kung saan naunang bumalik si Rayver, dahil may sinimulan na itong bagong afternoon prime series sa GMA Network, kaya naiwan si Julie dahil may dalawa pa siyang shows na tinapos.

Pero muling aalis sina Julie at Rayver for a two-day shows sa Israel. Dream come true pala iyon kay Julie Anne, na makapunta sa Israel, dahil nasa bucket list daw niya ang makabisita sa Holy Land sa Israel. Kaya tiyak daw na after nilang mag-show, lilibutin nila ang Holy Land bago bumalik ng Pilipinas.

Tatapusin muna ni Julie Anne ang taping ng The Voice Generations na she is one of the coaches, with Chito Miranda, Billy Crawford and SB19 Stell Ajero. Hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, napapanood ang singing competition every Sunday, 7:00 p.m. sa GMA 7, pagkatapos ng BBLG (Bubble Gang).

vuukle comment

GREGG HOMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with