^

Pang Movies

Sef, nag-propose gamit ang papel na singsing!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sef, nag-propose gamit ang papel na singsing!
Sef at Nelan

Nag-propose na pala ang Sparkle comedian-actor sa non-showbiz girlfriend na si Nelan Vivero.

Ibinahagi ni Sef sa social media kung paano niya ginawa ang proposal.

Nag-propose na pala siya sa karelasyon noong Feb. 14 pero simpleng marriage proposal lang daw ito kung saan papel na singsing lang ang ginamit niya.

Caption niya sa kanyang post, “Kahit hindi magarbo o engrande.. umoo ka. Napaka swerte at saya ko nung gabing yun (patugtugin ang PAPER RINGS NI TAYLOR SWIFT) wow Swiftie”

Kaya naman pagkatapos daw nito ay pinlano niya ang sorpresa para sa girlfriend sa kanilang tahanan at nagtagumpay naman siya.

“Kabang kaba ako! Panay memorya ng linya na sasabihin ko pag nasa harap na kita. Pumunta sa bahay niyo para magpaalam sa magulang mo… masabi ko sa kanila na masaya tayo at gusto ko sana ganun tayo hanggang sa tumanda na tayong dalawa. Na magkasama. Mapalad ako na pumayag sila!”

Pagpasok daw ng kanyang girlfriend ay tinanong niya na ito ng “Will you marry me?”

Makikita sa video kung gaano sila kasaya at naging emosyonal si Nelan sa ginawang proposal ni Sef.

Inulan naman sila ng pagbati mula sa mga kaibigan at netizens. Bongga.

vuukle comment

PROPOSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with