^

Pang Movies

Kris, nilabas na ang anak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, nilabas na ang anak!

Dalawang linggo na palang nakakapanganak si Kris Bernal sa first baby nila ng mister na si Perry Choi na pinangalanan nilang Hailee Lucca.

Inanunsyo ni Kris sa kanyang Instagram page kahapon ang magandang balita kasama ang reel kung saan ay makikitang inaalagaan nila ang kanilang baby girl.

Ayon kay Kris, ang nakaraang 15 days ay ‘most magical days’ daw of their lives. At kahit daw nahirapan siyang mag-labor ay willing siyang ulit-ulitin ito.

“Let me tell you a story, SHE’S FINALLY HERE. 

“15 days with our #LittleSunshine@haileelucca! And, it has been the most magical days of our lives. After the longest pregnancy and hardest labor, I would do it over so many times to meet my #LittleSunshine,” Kris said.

“The bond between a mother and child is one of the strongest in existence. I’m so inlove!!  It is a kind of love that is never understood until it happens to you. My heart is so full and becoming a mother is the most rewarding and beautiful thing in my life,” she went on.

Kasunod nito ay nagpasalamat ang aktres sa Diyos at sa lahat ng messages and prayers.

“Thank you, Lord, for giving us a chance to be parents! We have been taking some time to ourselves to get settled. For now, we’re really slowing down and soaking up every minute, cherishing it all. 

“Thank you for the kind messages, thoughts, and prayers,” pagtatapos ni Kris.

VV icon costumes, idinisplay!

Kasalukuyang naka-display sa Eastwood City ang iconic costumes ng mga bida ng Voltes V: Legacy series ng GMA 7.

Sa ribbon-cutting ceremony na ginanap sa Eastwood Mall Atrium last Aug. 25 ay masayang-masaya ang lead stars na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, Matt Lozano, and Liezel Lopez sa bagong experience na ito.

Sey ni Miguel,  “Iba ‘yung feeling as a fan na makikita mo nang personal ‘yung mga costume sa palabas na sinusubaybayan mo. Ganun ‘yung naramdaman ko nung nakakita ako ng costumes sa San Diego Comic-Con.”

Sabi naman ni Ysabel, “Happy ako na ma-showcase ang costume design ng show kasi most of the time ang naha-highlight is ‘yung CGI at kaming cast. Pero hindi nila alam ‘yung gravity ng hard work behind the camera. So this is a spotlight on another element of the production.”

Ayon naman kay Radson, talaga raw malaking blessing sa kanya ang Voltes V: Legacy.

“Grateful ako na naging parte ako ng big show na ito. Bukod sa anime fan ako, gusto ko ring makita ng mga Pilipino kung ano ang kaya nating gawin at ma-showcase ang talents natin sa iba’t ibang bansa,” saad ni Radson.

Halos ganito rin ang happiness and pride na nararamdaman ni Raphael.

“Sobrang proud po talaga kami kasi noong araw raw po sikat na sikat ang Voltes V anime. ‘Yung fans noon, mas lalong na-appreciate ang Voltes V: Legacy dahil naibalik namin ‘yung memories nila. Pero this time, live action na,” Raphael said.

Ayon naman kay Matt, maraming dapat abangan habang nalalapit na ang ultra-electro magnetic finale ng serye.

 Bukod sa costumes sa Voltes V: Legacy na naka-display sa Mall Cinema, ay makikita naman sa Mall Atrium ang mga barong at baro’t saya na sinuot mismo ng Maria Clara at Ibarra stars na sina Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, at David Licauco.

Ang nasabing exhibit ay partnership between GMA Network, Eastwood City, and Megaworld Lifestyle Malls.

KRIS BERNAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with