^

Pang Movies

AJ, confident na pakakasalan ni Aljur?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natawag ang aming pansin ng isang post ng isang unknown social media netizen, na nagtatanong, hindi raw ba noong unang sumingaw ang tsismis na naghiwalay na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla at sinasabing ang third party ay si AJ Raval, mabilis siyang nag-deny sa isang internet post at sinabing hindi siya ang third party at kilala niya kung sino ang third party?

Noon iyong panahong madalas na silang makita na nagde-date sa malls sa Pampanga at may picture pa si Aljur na mismong harap ng bahay nila. Ang tanong ng netizen, bakit ngayon gusto niyang pakasalan siya ni Aljur, hindi raw ba niya naisip na kung si Kylie na asawa rin ni Aljur at nanay ng dalawa niyang anak, ay naisipan pa noong isahan kaya sila nagkahiwalay, at kung totoong may ibang third party at hindi pa si AJ noon. Hindi raw kaya naisip ni AJ na kung sakali man at pakasalan siya ni Aljur, puwede rin iyong makakita ng iba at hiwalayan din siya?

Unless naniniwala si AJ na nakakahigit naman siya kay Kylie, na palagay namin mahirap masabi. Ang nasa isip naman namin noon, ang paghihiwalay nina Kylie at Aljur ay dahil sa insecurities. Kung natatandaan ninyo, si Aljur noong mga panahong iyon ay halos walang kayod. Kalilipat lang niya sa ABS-CBN, at bago naman siya lumipat doon ay halos wala na siyang project sa GMA 7, dahil hindi ba idinemanda nga niya ang network dahil gusto niyang makakawala sa kontrata para makalipat sa ABS-CBN sa paniwala niyang mas sisikat siya doon, eh inabot na ng pandemic, nawalan pa ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ganoon naman talaga, malakas ang insecurity kung mas malaki ang kita ni misis kaysa kay mister. Sa tingin namin iyon ang nag-udyok kay Aljur na maghanap ng iba, kasi lumalabas na mahinang lalaki siya at umaasa sa asawa.

Ngayon, tama nga lang na hindi na mag-alinlangan si AJ kung siya ang totoong babae ni Aljur nang hiwalayan ni Kylie, otherwise, mag-isip-isip muna siya.

Angel, pinanghihinayangan

Naiisip lang namin, ano na ang nangyari sa career ni Angel Locsin. Isa siya sa hottest property noon ng ABS-CBN, aktibo siya hindi lamang sa kanyang career kundi maging sa pulic service man. Kaso tumaba nang husto si Angel at talagang nawala sa porma, tapos nag-asawa na. Naibalik naman ang porma ng kanyang katawan later on pero sa malas, nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, wala na rin siyang mapuntahan. Naging biktima pa siya ng red tagging noon at ang kapatid niya ay pinagbibintangang kasama raw ng mga rebelde sa Quezon dahil na rin sa tiyuhin niyang si Neri Colmenares, na sinasabing maka-kaliwa. Nagkapatung-patong na iyan hanggang sa tumamlay nga ang career ni Angel Locsin.

Pero sayang si Angel ay isa sa pinakamagandang aktres natin noong kanyang panahon napakahusay rin naman niyang umarte. Aywan kung bakit nangyaring napabayaan din ng ABS CBN ang dati nilang “niña bonita.”

Sana makabalik pa si Angel sa dati niyang career.

Phil Younghusband, malapit na ulit maging tatay

Malapit na palang isilang ang pangalawang anak ng football star na si Phil Younghusband at ang asawa niyang si Margaret Hall. Sikat na sikat noon si Phil sa football, in fact dumami ang football enthusiasts dahil sa poging si Phil, na naging syota pa ni Angel Locsin.

Pero hindi sila meant for each other, nagkahiwalay sila na labis na pinanghihinayangan ng fans noong araw.

Ngayon malapit nang isilang ang ikalawa niyang anak, si Angel naman, hindi pa rin nagbubuntis hanggang ngayon kahit matagal na ring may asawa.

vuukle comment

AJ RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with