^

Pang Movies

Jerald, pinatawad ang truck driver!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jerald, pinatawad ang truck driver!
Jerald
STAR/ File

Umani ng papuri...

Sinaluduhan at hinangaan ng netizens si Jerald Napoles na piniling patawarin na lang ang driver ng truck na bumangga sa kanyang sasakyan nitong nakaraang Biyernes.

Ibinahagi ni Jerald sa kanyang Facebook page ang video ng pag-uusap nila ng driver ng truck at ipinakita rin ang damage na nagawa ng aksidente sa kanyang sasakyan.

Pero mas pinili na lang ng aktor na hindi na singilin pa ang driver sa nawasak niyang sasakyan.

“Ako na nag adjust. A problem won’t be solved by another problem,” ang simula ng kanyang caption.

Ikinuwento rin ni Jerald ang buong pangyayari sa kanyang post.

“Katatapos ko lang manuod ng Gilas Pilipinas vs Dominican Republic sa FIBA World Cup opening. Masaya ang experience kahit hindi tayo nanalo sa game.

“Pauwi na ako sa amin nang biglang na aksidente pa at nasuyod / bangga ng truck. Umangat bumper ko, basically nauuna na ako pero ipinasok pa niya sa lane ang truck kaya pa-angat ang wasak ng bumper ko. hindi na ako naka andar kasi tuloy tuloy ang truck. Halos patawid na siya na parang walang tinamaan,” kwento ni Jerald.

“May kasama siya sa passenger seat niya sa side ko na parang dedma lang. Hinarang ko ang truck para kausapin sa nangyari kasi parang uunahan na niya ako. Pinababa ko si kuya at eto nasa video ang usapan namin,” patuloy niya.

Sa video ay maririnig nga na sinabi ni Jerald sa driver na hindi na niya sisingilin ang driver dahil baka ibawas pa raw ito sa sahod nito at abut-abot naman ang pasasalamat ng kanyang nakabangga.

“Sa madaling salita, alam ko naman na ang tanging solusyon sa bangga ay ipaayos.. kung irereklamo ko naman at ipipilit ko ang kakayanan at pagbayarin si kuya driver siguradong ikakaltas pa sa sahod niya ’to.. imbes na solusyon, dagdag problema pa ang mangyayari… magiging komplikado pa sa pag aayos at paghahabol para mapanagutan niya..

“Bilang ako ang mas may kakayanang pinansyal, hindi ko na kinumplika.. pinagsabihan ko na lang siya na sa susunod ay mag iingat. dahil pareho kame mapalad na ganito lang ang nangyari. Gaya ng sinabi ko sa video.. kadalasan hindi gaya ko na palalampasin lang ang ganitong aksidente ang makakasalamuha niya,” pahayag ni Jerald.

Pinayuhan na lang ng aktor ang driver na sa susunod ay mag-ingat ito sa pagmamaneho.

“Kuya Ranzy mag ingat at sana ito na ang huli mong disgrasya. pagpalain ka nawa at ang iyong pamilya. Magsilbing aral ito sayo at sa akin na rin. La­ging panaigin ang tamang katwiran pero nang hindi makaka argabyado nang kapwa. Malaki ang bangga pero lamang ang kasiyahan sa buong araw. Dun na lang ako mag fofocus. Sana masarap pa rin ang gising at ulam ng pamilya mo bukas kuya Ranzy,” ang pangarap ni Jerald sa tsuper.

Sa comment section ay napakaraming humanga sa ginawa ni Jerald at sana all daw ay kasing-bait ng aktor.

vuukle comment

JERALD NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with