^

Pang Movies

Mamatay pa raw ang kanyang pamilya... AJ sumumpang ‘di naging kabit ni Aljur!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mamatay pa raw ang kanyang pamilya... AJ sumumpang �di naging kabit ni Aljur!
Aljur at AJ

MANILA, Philippines — Sumusumpa si AJ Raval na wala siyang niloko o inagrabyadong tao sa pakikipagrelasyon niya kay Aljur Abrenica dahil nang pumasok daw siya sa buhay ng aktor ay hiwalay na ito sa asawa nitong si Kylie Padilla.

Sa live streaming na isinagawa ni AJ sa kanyang Facebook page, habang naglalakad sa kalsada in Canada ay in-address ng sexy actress ang matagal nang akusasyon sa kanya ng mga tao na ‘homewrecker,’ ‘kabit,’ ‘mang-aagaw,’ etcetera.

“Magsasalita ako ngayon kasi sobra na, sobra na ang sinasabi ng mga tao. May nabasa ko do’n, hindi ko na sasabihin exact words niya, pero dinadamay na ‘yung buong pamilya ko,” simula ng Vivamax Queen.

Nakilala raw niya si Aljur nang magsama sila sa pelikulang Nerissa na ipinalabas sa Vivamax. Naging magkaibigan daw sila that time at “kuya” pa ang tawag niya sa aktor.

Lumipas ang ilang panahon at nagsimula na raw itong manligaw sa kanya.

Matagal daw na nanligaw sa kanya si Aljur at nilinaw raw niyang mabuti sa aktor ang estado ng relasyon nito with Kylie.

“Tinanong ko siya, paano ‘yung wife, paano ‘yung family. Sabi niya sa akin, okay lang ‘yun, hiwalay na talaga sila, may partner na rin si Kylie that time. So, nag-go ako,” kwento ng sexy actress.

“So, ang sinasabi ko lang dito, ‘di baleng tawagin n’yo na akong kabit and all, siguro ‘yun ang tingin sa akin ng ibang tao dahil kasal nga si Aljur, pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko ngayon, mamatay man ang buong pamilya ko ngayon, nag-start ‘yung relationship namin nang wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao. Ganu’n nag-start ‘yung relationship namin,” patuloy ng anak ni Jeric Raval.

Hindi raw siya homewrecker at kilala raw niya ‘yung sinasabing ‘other woman’ na involved sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

“Ayokong mag-name drop pero kilala ko kung sino ‘yung totoong babaeng involved talaga sa panloloko nilang dalawa sa relationship nila,” aniya.

Nang manligaw raw si Aljur sa kanya, after a year pa niya ito sinagot.

“A year after, du’n kami naging official, last year, July,” she revealed.

Nakiusap din siya si AJ sa bashers na tigilan na sila pati na ang akusasyon na mayroon silang anak.

“Tama na guys (ang pamba-bash). Saka pakinggan n’yo si Kylie. Tama na ‘yung pagta-tag sa kanya, nananahimik ‘yung tao, ini-stress n’yo. Ini-stress n’yo lahat.

“Alam n’yo kung sino ang atakehin n’yo? ‘Yung talagang taong gumawa ng kasalanan sa kanila,” she said.

“Saka enough na please, enough na du’n sa mga baby-baby issue and buntis and all. Hindi nangyari ‘yun, okay? Walang ganu’n. Hindi ako nakakapagsa­lita, dito lang sa live ko, sa page ko, kasi hindi talaga ako nabigyan ng chance na magsalita, na protektahan ‘yung sarili ko,” paglilinaw ni AJ.

Tungkol sa babaeng naging dahilan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur, ayon kay AJ ay ayaw na niyang ibunyag pa kung sino ito dahil may baby na rin daw ito ngayon at nakaraan na rin naman daw ‘yun.

“Pero nu’ng hindi pa kami ni AJ (Aljur), Nerissa time pa lang ‘yun, ‘yung movie namin, friends pa lang kami, may nakita akong article. ‘Yung article na ‘yun, lumabas talaga ‘yung totoong girl, may article.

“Tapos, hindi pinansin ‘yung article kasi ‘yung girl, hindi naman siya ganu’n kakilala. Kaya nu’ng ako na, single na si Aljur, ako ‘yung pinuntirya ng mga tao. Kasi medyo lumalabas na rin naman ako sa mga movie no’n,” tsika pa ni AJ.

Kasalukuyang magkasama sina Aljur at AJ sa Canada at panay nga ang post ng sexy actress ng mga photos nilang dalawa.

vuukle comment

AJ RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with