^

Pang Movies

Sandro, pinaalalahanang kakampink si Yassi!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sandro, pinaalalahanang kakampink si Yassi!
Luigi at Yassi

Matagal na ang video at photos nina Sandro Marcos at Yassi Pressman at  kung hindi kami nagkakamali, related pa kay Sandro ang nag-post sa TikTok at obviously, nasa event ang nasabing tao.

May mga nag-react lang sa sweetness nina Yassi at Sandro as seen sa videos dahil sa last elections, Kakampink si Yassi at si Leni Robredo ang sinuportahan.

Tanong nila kay Sandro kung alam niya ito.

O, baka naman nakapag-move on na si Sandro at hindi na importante kung Kakampink si Yassi at ang importante ay ngayon. ‘Katuwa nga dahil may nag-tag kay Alexa Miro at tanong sa kanya kung ano ang meron kina Sandro at Yassi.

After Sandro, si Governor Luigi Villafuerte naman ang nakitang kasama ni Yassi sa celebration ng 74th Foundation ng Bombon, Camarines Sur. Host si Yassi at nang tinawag sa stage ang governor, kiniss nito sa cheek si Yassi. 

Ang reaction agad ng netizens ay kung sina Yassi at Luigi na ba at kung sila man, bagay raw sila. May nag-comment naman na masyadong friendly si Yassi at isa pang comment, sobrang busy raw ito.

Wait na ma-link naman siya kay Ruru Madrid dahil showing sa Sept. 20 ang movie nilang Video City.

Madadalas ang pagkikita nila dahil ipo-promote ang movie collab ng Viva Films at GMA Pictures at tiyak may gagawa ng isyu sa kanila.

Alex, atat sa baby

Sunud-sunod na post sa Instagram story ang pinost ni Alex Gonzaga pagkatapos nilang bisitahin ng husband na si Mikee Morada ang kani-kanyang pamangkin.

Una silang dumalo sa birthday party para sa pamangkin ni Mikee sa Lipa. Karga ang pamangkin ni Mikee, nagbiro si Alex na sa kanila na lang ang baby.

Kasunod nito, binisita nila si Toni Gonzaga at ang bagong silang na baby girl nila ni Director Paul Soriano na si Paulina Celestine.

Pinost ni Alex ang pagbisita nila sa kanilang mga pamangkin at sabi nito, looking forward siya na darating ang araw na magiging tatlo na sila.

Ang saya siguro kapag nagbuntis uli si Alex, nanganak at maging mommy dahil buntis pa lang, iba-vlog na sigurado at ang vlog niya for her baby ay may halong comedy.

Hindi lang maiwasang may mag-comment ng “her time will come” sa post ng parents nina Alex at Toni Gonzaga na ini-enjoy nila ang bago nilang apo, ang baby girl nina Toni at Director Paul Soriano.

Rude raw ang nasabing comment.

Chito, kinumbinsi ni Neri sa TVG

Ang dami ng negosyo at properties ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig at sa interview nila kay Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho, binanggit ang mga negosyo nila. Kabilang dito ang restaurants ni Neri na kasama ang mga nag-franchise, aabot na sa pito.

May tatlo ring sariling restaurants si Chito at hindi pa nga ito sigurado sa numbers ng kanyang resto.

Sa husay ni Neri mag-isip ng negosyo, siguradong madadagdagan pa ito. Hindi kinalimutang banggitin nito na nagsimula ang kanilang negosyo at nagsimula ang kanilang pagyaman sa bottled tuyo na nang magsimula siya, hindi pa ganun kasikat. Ngayon, ang dami ng brands ng bottled tuyo.

Tigil na sa showbiz si Neri at si Chito na lang ang nagpapatuloy dahil active pa ang banda niyang Parokya ni Edgar.

Regular din siyang mapapanood sa GMA 7 dahil isa siya sa coach ng The Voice Generations na magsisimula na sa Aug. 27, kapalit ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Sa mediacon ng TVG, nabanggit na reluctant siya lumabas sa mainstream TV dahil naiinis daw siya (hindi sinabi kung saan). Malaking parte raw si Neri na napasama siya sa singing competition as one of the coaches. “Kinumbinsi ako ng wife ko at sobrang thankful ako kay Neri because I enjoy doing this. It is outside of my comfort zone, sobra pala akong mag-i-enjoy. As a coach, hindi ako masyadong istrikto, rock and roll lang, pero medyo technical,” sabi ni Chito.

vuukle comment

SANDRO MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with