^

Pang Movies

Jose, pinangtatapat kay Isko!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jose, pinangtatapat kay Isko!
Jose
STAR/ File

Tinanggap ng viewers ng E.A.T. ang paghingi ng paumanhin ni Wally Bayola sa pagmumura niya sa sa Sugod Bahay segment ng nasabing noontime show ng TV5. Normal lang daw na magkamali at tao lang ito. Ang importante raw ay mabilis siyang nag-sorry at hindi na hinintay na humarap pa siya sa MTRCB.

Normal lang daw at bukambibig ng tao ang pagmumura sa mga inuman, kuwentuhan at asaran o kaya nadala sa laking tuwa. Ang kaibahan lang sa kaso ni Wally ay sa live TV siya nagmura at may mga batang viewers.

Kinowt pa ng ibang viewers si Jose Manalo sa sinabing  nagkamali ka man, sinadya man o hindi dapat matuto ka magpakumbaba. Sabi rin ni Vic Sotto, “Ang mahalaga kapag alam nating nagkamali ay dapat itinatama natin.”

Nabasa pala namin na “Mayor Jose” ang tawag kay Jose ng Dabarkads. Siya ba ang pangtapat ng E.A.T kay Isko Moreno na “Yorme” naman ang tawag, pero alam nating naglingkod nang matagal bilang mayor ng Manila City.

Dahil sa mga yaya, Mariel humagulgol sa 39th birthday

Maraming birthday cakes na natanggap si Mariel Rodriguez-Padilla sa 39th birthday niya last Aug. 10, pero ang nagpa-emosyonal sa misis ni Sen. Robin Padilla ay ang birthday cakes na regalo ng kanyang mga yaya at helpers niya sa kanyang online business na “angels” ang kanyang tawag.

Solo na pinost ni Mariel ang dalawang cakes at sinabi kung bakit siya naging emosyonal. “This one is from my yayas. Most touching kasi ginastusan nila at inisip pa nila.” Ang caption sa isa pang cake, “Another nakakaiyak one... so pretty. From my Cooking Ina Food Market angels. Ang mga tumutulong sakin itaguyod ang small business ko.”

Kuwentong Mariel pa rin, sa kanyang Instagram stories, pinost ni Mariel ang screenshot ng conversation niya sa kanyang lolo na ang tawag sa kanya ay “Ma.”

“Hi Ma, HAPPY BIRTHDAY! The only gift Lola and I can give you is our love and prayers for your intentions. HAPPY BIRTHDAY!” na sinagot ni Mariel ng “Your love and prayers is the most important gift of all. I love you! Thank you lo and lola.”

Sinundan ng caption na “Ito... iniyakan ko ito. Like hagulgol hahaha siguro pag tumatanda lalo naging emotional hahaha.”

Marian, humakot ng milyun-milyong views at likes sa TikTok!

Ang bilis tumaas ng numbers of views at likes ng TikTok entry ni Marian Rivera, her first dance TikTok entry. Sa unang balita, may 11.3 million views at 2.3 million likes in less than 24 hours.

Kaya napapa-comment ang netizens ng “Grabe na to!!! #MarianRivera” at tiyak na madadagdagan pa ang views, likes, shares, at comments dahil nahuhusayan ang mga nakakapanood ng TikTok ni Marian na sumasayaw sa music na Money Money ni Jessie J.

Para raw dalaga pa ang aktres at walang dalawang anak kung sumayaw. Idagdag pa na napakasimple ng suot ni Marian sa TikTok, naka-loose T-shirt at jogging pants lang at nakasuot ng cap. Wala pang makeup at ‘yung tipong humarap na lang sa camera at nagsayaw.

vuukle comment

E.A.T

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with