^

Pang Movies

Kris, pinamimigay ang gown sa mga yaya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris, pinamimigay ang gown sa mga yaya
Kris

Ang dami ngayon ng stars na nag-o-online business. Either binebenta nila ang mga preloved nilang gamit, o pinagbibili rin nila ang ilang gamit ng kapwa nila stars.

Walang masama dahil kung hindi mo na magagamit, bakit hindi mo ipagbili, ‘di ba! Mas maganda nga na magamit ng iba ‘yung gamit mo na hindi mo na gustong gamitin.

Saka dahil nga gamit ng artista, gustung-gusto nilang bilhin dahil may star value na ito, bongga ‘di ba. Madalas nga nakakatuwa na makita na isang ordinaryong tao ang makita mong suot ang ginamit ng isang star sa isang pelikula or pictorial.

Nakakatawa nga si Kris Aquino na binibigay ang mga gown niya sa kanyang yaya na hindi alam kung saan isusuot ‘yung gown. Ang suggestion ni Kris sa Santacruzan isuot, eh kung hindi naman kinukuhang Maria Elena ‘yung yaya paano na, hah hah. 

Sec. Rex, madaling lapitan

Grabe pressure ha. Siyempre nahihiya ako na laging humingi ng tulong kay Sec. Rex Gatchalian, pero dahil akala sa dialysis session ko kilala ko ang lahat ng nasa gobyerno kaya hinihingi nila ang tulong ko para maparating ang mga problema nila.

Ang bait naman ni Sec. Rex dahil very approachable at talagang may ears for problems ng mga lumalapit.

Naku, pressure kaya yata may mga side effect na ang dialysis ko.

Ang kati-kati ng mga mata ko na sana huwag namang kuliti uli.

Ang kati rin sa sobrang dry ng aking skin, kaya kung minsan kamot ako nang kamot.

Hay naku, kaya naiirita ako, matanda na tapos heto ang dami pang mga complaint.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with