VG Marc, babalikan si Kris sa Amerika!
Crush na crush na pala noon pa ni Batangas Vice Governor Marc Leviste si Kris Aquino.
Inamin ito ng pulitiko sa kanyang panayam kay Butch Francisco for Pikapika Showbiz vlog na in-upload last Monday.
Inalala ni VG Marc nang mag-post si Kris several years ago na open ito for a new relationship at sumagot siya sa comment section.
“Kalaunan, she allowed me to visit her at her place in BGC at that time, and I would visit her regularly, send her food and flowers,” pagbabahagi ni VG Marc
“Noon pa man ay malaki na ang paghanga ko sa kanya,” aniya pa.
Pero nagsimula raw ang kanilang pagkakamabutihan nitong Jan. 1, 2023 nang bisitahin niya ito sa Los Angeles. “I texted her days before New Year, I said ‘I’m in town, can I visit you?’ Lo and behold, she replied and allowed me to go to her place. And the rest, as they say, is history. Now, this is our 7th month, going 8th, because August na,” pagbabahagi niya.
Since then ay halos araw-araw na raw silang magkausap. “Even when I went home from LA to Manila, we were communicating regularly. Wala yatang araw na hindi kami magka-chat or magkausap, minsan video call,” kwento pa ni VG Marc.
Bagama’t may sarili siyang bahay sa US located in Hollywood, he stays with Kris sa LA kapag naroroon siya. Naikwento rin niya ang closeness ng kanyang mga anak sa girlfriend, gayundin sa dalawang anak nito na sina Joshua and Bimby.
“My children have developed a distinct and special relationship with Kris and her boys meaning, Kuya Josh and Bimb, ganundin sa mga kasamahan ni Miss Kris, they have developed a relationship of their own, separate and other than what we have,” he said.
Ang youngest niyang si C2 ay kaedad daw ni Bimby kaya madali raw nagkasundo ang dalawang boys.
May tatlong anak si VG Marc – si Ronin na 24 years old at incumbent Mayor ng Lian, Batangas, si Arielle na kanyang unica hija, 22 and currently based in US and C2, 16, na nag-aaral dito sa Pilipinas pero sa ngayon daw ay nakabakasyon sa US at nakatira kay Kris.
Nilinaw rin ng pulitiko na divorced siya, very much single at walang kasabit-sabit.
Aniya, very loyal siya kay Kris at wala raw ibang babae sa buhay niya kundi ito.
Naitanong din sa kanya ang Cartier Trinity ring na bigay sa kanya ni Kris na suot-suot niya at aniya, nag-promise raw siya kay Kris na hindi niya ikukuwento ang tungkol dito.
But then, si Kris na raw mismo ang umamin recently sa fan page nito na binigyan nga siya nito ng singsing.
“This trinity ring comes in three and it symbolizes love, friendship and fidelity,” paliwanag niya habang ipinapakita ang ring.
When asked kung kaya ba niyang panindigan ang fidelity, at mabilis na sagot ng pulitiko, “yes, of course, fidelity, loyalty, yes.”
When asked kung nagkakaroon din ba sila ng away, ayon kay VG Marc ay never siyang nakipag-away kay Kris. “I never fight with her. Sometimes, she misinterprets my discussion as an argument or as you said, as fighting, but God is my witness, I never put up a fight against Kris. But yes, there are times that we argue on some issues,” aniya.
“Halos lahat ng bagay ay aming napag-uusapan. Kaya naman masarap ding kausap si Kris and she’s a very well rounded, well versed, very intellectual knowledgeable person. She can talk about anything and everything under the sun, may it be politics, domestic politics, global or geo-politics and she’s also very familiar with economics, with the economy, again domestic and foreign.
“Masarap kausap si Kris, masarap kasama si Kris at masarap magmahal si Kris,” pahayag pa ng pulitiko sabay-tawa na parang kinikilig.
Babalik daw siya sa LA sa Sunday to be with Kris again kaya naman naitanong sa kanya ni Butch kung ‘hello’ na ba ulit at hindi naman pala nagkaroon ng ‘goodbye’ tulad ng post ng Queen of All Media kamakailan.
“’Yung ‘pause’ na sinabi niya? Ewan ko,” napapailing at nakangiting sabi ni VG Marc.
“Ayokong mag-comment. Ako, ipapasa-Diyos ko ‘yan. I leave my life, even our relationship and status, to God,” he said smiling.
Pagkatapos nito ay naging seryoso na ang pulitiko and said, “una sa lahat, ang priority ko naman talaga, ‘yung kanyang paggaling. Kung ako’y nakakatulong man sa kanyang paggaling, ‘yun talaga ang pangarap ko. ‘Yun talaga ang aking minimithi. Na gumaling siya sa lalong madaling panahon at mabigyan ako ng biyaya ng ating Panginoon na gamitin ako para sa kanyang paggaling. Anuman ‘yun, Diyos na ang bahala,” he said.
- Latest