^

Pang Movies

Rocco, nawindang sa nangyari sa anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rocco, nawindang sa nangyari sa anak
Rocco Nacino

MANILA, Philippines — Grabe ang naging takot ni Rocco Nacino nang malagay sa panganib ang 10-month-old baby niyang si EZ recently.

Ipinakita ng aktor sa kanyang Instagram page ang CCTV kung saan ay makikitang nalaglag mula sa mataas na lamesa ang anak na nauuna ang ulo.

Pero thank God, naging maagap si Rocco at bago tuluyang malaglag ang anak sa sahig ay nahawakan niya ang mga paa nito kaya walang nangyaring masama sa bata.

Nag-post din ng video si Rocco at ikinuwento ang nangyari habang hawak-hawak pa ang anak.

“So, I just had my first scare of my life,” simula niya.

“Just a few minutes ago, hawak-hawak ko si EZ dito sa table na ito. I reached over para patayin ‘yung isang lamok. Sa isang iglap, EZ chose to lean over to the side, dito sa edge. Nalaglag siya,” kwento ni Rocco.

“Pero nasalo ko ‘yung paa ni EZ,” patuloy niya at tumigil sandali ng pagkukuwento dahil nagiging emosyonal na siya.

“Naiiyak ako ngayon,” aniya.

Kasunod nito ay nagbigay siya ng reminder sa mga magulang din na tulad niya.

“Reaching out to the new parents out there as they grow bigger, older, lalo ring lumalaki ‘yung dangers that come along the way,” he said.

“Thinking about it, kapag hindi ko siya nasalo, ahhh huhu (sabay-yakap kay EZ), baka naospital pa kami,” patuloy niya.

Kaya payo niya sa mga magulang din, laging bantayan ang kanilang baby.

“Don’t make the mistake I did. Be safe,” paalala pa niya.

Kaya ang plano ni Rocco ngayon i-baby proof ang kanilang bahay.

“Now I really have to baby proof the whole house to ensure a safe, playable environment,” aniya.

Sa comment section ay sumagot ang misis niyang si Melissa Gohing na wala pala sa bahay nang mangyari iyon.

“Huhuhu pagnandiyan ako iiyak ako. God is good nothing (happened),” sey ni Melissa.

Markus, ‘di hirap sustentuhan ang anak

Kahit hiwalay sina Janella Salvador at Markus Paterson, ayon sa aktor ay napakaganda raw ng kanilang co-parenting arrangement sa kanilang anak na si Jude.

Kwento ng aktor sa vlog ni Ogie Diaz, hindi raw sila nagkakaroon ng problema ni Janella kapag gusto niyang hiramin ang anak.

“She’s an amazing co-parent. She never leaves me hanging talaga kapag gusto ko (makasama) si Jude, nagre-reply naman siya. ‘Pag tumawag ako, gusto kong makita si Jude, sasagot siya and vice versa,” sey ni Markus.

Wala rin daw silang problema sa kanyang sustento sa bata.

“’Yan ‘yung madali (sustento). ‘Yung mahirap, ‘yung talagang time minsan especially kapag bising-busy sa taping at malayo ang location, mahirap ‘yun,” aniya.

Pero ang maganda raw ay napag-uusapan nila nang maayos kung paano ang time sa bata kapag may mga trabaho sila.

“Nung nag-shooting ako ng show sa Subic, nasa ‘kin naman si Jude nung time na ‘yun kasi ‘di ba, nagda-Darna si Jea (Janella)? So, dinadala ko sa set. Ang saya.

“Tapost nag-Hong Kong siya, dinala niya si Jude do’n. So, talagang salitan depende sa schedule,” saad ni Markus.

Sa ngayon ay single raw siya at wala pang nakikitang bagong pag-ibig. Ang tanging focus daw niya ay trabaho at ang anak nila.

“Si Jude lang talaga ‘yung kasiyahan ko ngayon. Kung nasa taping ako, parang nawawalan ako ng motivation unless nandu’n siya or naka-video call siya,” aniya.

Matatandaang inamin ni Markus noong November 2022 na almost one year na silang hiwalay ni Janella.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with