^

Pang Movies

Ina, hindi tumanda kahit gumamit ng filter!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ina, hindi tumanda kahit gumamit ng filter!
Ina

Kinaaliwan online ang latest TikTok video ni Ina Raymundo habang kasama ang kanyang asawa na si Brian Poturnak.

Sa naturang video, mapapanood na hindi nagpahuli sa paggamit ng trending na filter si Ina.

Habang nasa likuran niya ang kanyang asawa, sinubukan ng aktres ang aged filter, kung saan magkakaroon ng ideya ang isang taong gagamit ng filter kung ano ang magiging itsura niya kapag siya ay nagkaedad na.

Ikinagulat ng netizens at TikTok followers ni Ina ang naging resulta ng paggamit niya ng nauusong filter.

May iba naman na sinabing tila walang nagbago sa itsura ni Ina. Ang iba naman ay napa-comment na kahit tumanda siya ay mananatili pa rin siyang young-looking at maganda.

Kakabit naman ng video ay ang kanyang caption na tungkol sa kanyang asawa.

Ayon kay Ina, “Sometimes, I still can’t believe that I’ve been with this man since June 2000. #dadofmy5kids #husbandwife #Godsgrace.”

Ruru, maraming stunts kasama si Matteo

Na-enjoy ni Matteo Guidicelli ang kanyang naging first taping day para sa bagong teleserye na Black Rider.

“Marami na kaming nakunan na mga eksena. Mostly ay pareho kaming nakamotorsiklo ni Ruru (Madrid). May mga eksena pa kaming kukunan na nagkakarera kami. Hitik sa stunts ang teleserye na ito kaya dapat nilang abangan,” report pa ni Matteo sa morning show na Unang Hirit kung saan nag-live siya at nagkuwento ng kanyang mga naging mga eksena para sa teleserye.

Huling teleserye ni Matteo ay ang Bagani nung 2018 pa. Kaya natuwa siya sa paglabas ulit sa isang teleserye. “In regards sa Black Rider, I commend the writers and our director for coming up with a show like this na nagbibigay pugay sa mga delivery rider. Isa kasi sila sa mga naging frontliners noong pandemic.

“They developed this whole show to give due respect sa lahat ng mga frontliners. Noong pandemic, nagmo-motor sila. Lahat ng mga delivery riders, kahit sobrang pandemic, nagtatrabaho pa rin sila. And I am happy to be part of this show,” sey ni Matteo.

vuukle comment

INA RAYMUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with