^

Pang Movies

Maja at Rambo, bukas ang kasal!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Maja at Rambo, bukas ang kasal!
Maja at Rambo
STAR/ File

Except for the date, nailihim ng newly-wed celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang detalye ng kanilang kasal last Friday, July 28, 2023 na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel na sinundan ng reception sa Baguio Country Club.

Official nang Mrs. Juan Carlos ‘Arjo’ Atayde si Nicomaine Dei Capili Mendoza o mas kilala as Maine Mendoza.

May halaga sa bagong mag-asawa ang petsang July 28 dahil ito ang petsa na unang nag-tweet si Maine  ng “Arjo cutie” sa kanyang Twitter account nung July 28, 2013.

Five years later ay nagkakilala ang dalawa sa story conference at set ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na Jack Em Popoy kung saan tampok sina Vic Sotto, Coco Martin at Maine at kung saan naman kasama sa cast bilang lead villain si Arjo.

It was sometime in September or November of 2018 nang maispatan ang dalawa na nag-dinner sa isang Makati restaurant. Isa na pala ‘yun sa maraming dates ng dalawa until they became sweethearts nung December 2018.

Kung tutuusin, hindi naging madali kay Arjo ang maging kasintahan ni Maine dahil pumasok siya at a time na napakainit pa noon ang tambalan nina Maine at ka-loveteam nitong si Alden Richards sa GMA.

Katakut-takot na bashing ang tinanggap ni Arjo gayundin ang kanyang pamilya pero hindi natinag ang actor-politician maging ang pamilya nito laluna ang kanyang veteran actress mom na si Sylvia Sanchez who took the bullets for him. Dinepensahan ni Sylvia ang kanyang anak.

It was on July 28, 2022 nang mag-propose ang actor-politician kay Maine and one year later on same date, July 28, 2023 ay nagpakasal ang dalawa.

Ngayong kasal na ang dalawa, gusto nilang magkaroon ng tatlong anak.

Marami ring celebrities ang dumalo at kasama na rito ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngayong tapos na ang kasal nina Maine at Arjo, susunod naman na magpapalitan ng “I Do’s” ang isa pang celebrity engaged couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez na nakatakda namang ikasal ngayong Lunes, July 31, 2023.

Sina Maine at Maja ay magkasama sa noontime program ng TV5, ang E.A.T. nina Tito, Vic at Joey.

vuukle comment

ARJO

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with