Actress-fashionista naloko ng entourage
FEELING ng dyowa ng actress-fashionista eh may kinalaman ang entourage ng asawa kaya nauubos ang laman ng kanyang credit cards!
Eh, masyado raw kasing mapagtiwala ang aktres kaya naman laking-gulat niya nang natuklasan na may milagrong ginagawa ang kasa-kasama niya.
Kaya ang dyowa ng aktres, todo-bantay sa asawa lalo na sa mga gamit niya, huh! Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa asawa niya na ‘yung mga taong pinagkatiwalan eh sila rin pala ang gumagawa ng kalokohan sa kanya!
Mayaman ang girl at ang bawat gamit eh milyon ang halaga, huh!
Gillian, Nag-iba nung naka-loveteam si Yves
SECURED sa pagkababae niya ang Star Magic artist na si Gillian Vicencio!
Ayon sa pahayag ni Gillian nang makausap ng Marites University, mula kasi siya sa isang girl school kaya babae ang madalas niyang kasama.
“Pero nang nakalipat ako sa co-ed, mga lalaki na ang kasama ko. Minsan, may girl crush pero hangang doon lang ‘yon. Mas gusto pa rin ang lalaki! Ha! Ha! Ha!” saad ni Gillian.
Eh naging boyish nga ang dating ni Gillian dahil ng sa roles na ibinigay sa kanya. Nagbago ang lahat ng ‘yon nang i-loveteam sa kanya si Yves Flores.
May magandang mukha si Gillian at hanga kami sa talino niya at pagiging kowboy dahil nang dumating siya sa Scott Media studio of MU, aba, dahil nililinis ang dressing room that time, umupo siya sa isang silya, hawak ang salamin, si Gillian mismo ang nag-make up sa sarili at nang malagyan ng make,nag-iba ang look niya na artistahin, huh!
Abangan ninyo ang interview ng MU kay Gillian dahil may pasabog ito!
- Latest