^

Pang Movies

Adopted daughter ni Claudine, pinasok na ang pag-aartista

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Adopted daughter ni Claudine, pinasok na ang pag-aartista
Aryanna
STAR/ File

Sasabak na sa pag-aartista ang daughter ni Claudine Barretto na si Aryanna.

Kabilang siya sa cast ng pelikulang Magic Hurts na pagbibidahan ng ne­west loveteam, Beaver Magtalas and Mutya Orquia to be directed by Gabby Ramos.

Grade 3 lang si Aryanna pero gusto na raw niyang mag-showbiz.

Wala si Claudine kahapon sa ginanap na press announcement ng nasabing pelikula.

Supposedly ay susunduin nito ang anak kung saan din may special participation siya sa pelikula.

Mommy ni Olivia (Mutya) ang role ng actress na working as a humble tailor sa streets ng Pasig na hindi nagkaroon ng chance na matupad ang mga pangarap na maging fashion designer dahil sa kahirapan.

Naging ina siya sa edad na 23, kay Olivia.

Silently ay nakikipaglaban din siya sa sakit na ovarian cancer.

At si Aryanna ang gaganap na batang Olivia kaya tiyak na may eksena ang mag-ina sa totoong buhay.

Anong role ni Aryanna, Direk Gabby?

First acting job ito ni Aryanna.

“Yes. I discovered her sa Loyalista (movie shoo­ting ng life story ni Imelda Papin na si Claudine ang gumanap na Imelda), sabi ko ang galing niyang umarte. Marunong siyang umarte,” sabi ni Direk Gabby.

Pero hindi aniya kasama ang bata sa nasabing pelikula, andun lang ito dahil sinasama ng ina.

“Kasama lagi ni Claudine ‘yung anak niya so dahil kinukulit ko siya lagi, I saw na sobrang marunong siyang umarte kaya sabi ko next project kukunin kita. Sinabi ko talaga kay Claudine na sana makuha ko ‘to at least sa unang pelikula ko,” dagdag na paliwanag ni Direk Gabby.

Grade 3 si Aryanna at aniya, siya talaga ang may gustong mag-artista.

Idol niya raw ang mommy niyang si Claudine.

vuukle comment

ARYANNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with