^

Pang Movies

Male celeb, iniasa na ang buhay sa kaibigan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Forever nang nakadikit sa sikat na male celebrity ang isang medyo kilala na ring male personality.

Kapag may bagong project si male celeb, asahang kasama si male personality sa project na ‘to kahit ‘yun at ‘yun din naman ang ipinapakita niya.

Eh sandigan din kasi ni male personality ang sikat na male celeb sa mga kailangan niya. ‘Pag kailangan ng pera, madali siyang makahiram sa male celeb.

Madalas nga eh ‘yung suweldo ni male personality ay naia-advance na niya para sa pangangailangan ng bago niyang pamilya, huh!

Ugali kasi ni male personality na kapag nakarinig ng bagong project ni male celeb, agad itong nagpaparinig na isama siya!

Mabait kasi si male celeb kaya kahit paulit-ulit ang ginagawa ni male persona­lity eh sige na rin siya para makatulong!

Boobay, bagong star for all seizure

Baliwan talaga sa comedy bars at sa mga stand-up comedian na performers.

Eh madalas magkasama sa Clowns Republik sina Ate Gay at Boobay sa set.

Sukat ba namang bansagan ni Ate Gay si Boobay na “Star for All Seizure” kapag ipinakikilala niya ito sa stage. Of course banter lang nila ‘yon at ginamit ni Ate Gay ang sitwasyon ni Boobay nang mag-guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda.

Pero sa nangyaring ‘yon, inilapit ni Marian Rivera sa Diyos ang BFF niyang si Boobay. Sa ginawang ‘yon ni Marian, nabanggit ni Boobay na, “Naiyak ako!”

Of course, dapat na ring matuto si Boobay sa paghinay-hinay sa trabaho. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh may mga kaibigan siyang tulad ni Marian.

vuukle comment

BOOBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with