^

Pang Movies

Gigi ‘di pa nakaka-recover, nagmamadaling magtrabaho ulit para sa nanay na may cancer!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gigi �di pa nakaka-recover, nagmamadaling magtrabaho ulit para sa nanay na may cancer!
Gigi de Lana

Sa mga nagsabing dapat magpahinga muna si Gigi de Lana after her accident pero kung magpapahinga man daw ang singer sa pagkanta, hanggang two weeks lang o one month lang. Dahil kung wala raw gig si Gigi, paano niya matutulungang maipagamot ang mom niyang may breast cancer?

Sa interview ni Karen Davila, nabanggit ni Gigi na stage 2 na ang breast cancer ng ina at kailangan niyang magtrabaho para sa pagpapagamot nito.

Nagdasal ang fans ni Gigi na mabilis siyang maka-recover sa pinagdaanang car accident para back to work na siya para sa kanyang ina.

Sa interview naman nina Julius Babao at Tintin Bersola-Babao, aminado si Gigi na nakararamdam pa rin siya ng pananakit ng katawan at pagkahilo. May bruises din siya sa left side ng kanyang katawan at ipinagpapasalamat nito na okay ang X-ray result niya at ang CT scan.

“Bugbog left side po ng body ko masakit po talaga. Sobrang bugbog po siya. Saka nakahiga po kasi ako nung nangyari ‘yung accident as in nakahiga po ako so tumilapon po ako doon sa upuan ng driver seat,” kuwento ni Gigi.

Kahit daw nasaktan siya at kanyang mga kasama, nagdesisyon sila na ituloy ang kanilang gig para sa mga taong naghintay sa kanila at dahil passion nila ang mag-perform. Kaya lang, hindi nakaya ng kanyang katawan at habang nagpi-perform nahilo siya.

Nilinaw ni Gigi na nahilo lang siya, hindi nahimatay at doon na niya naramdaman ang sakit ng kanyang katawan at hindi na niya nakayang tapusin pa ang kanyang performance.

Vic, nabuking na seloso!

Nakakaaliw ang interview ni Snooky Serna kay Dina Bonnevie sa rami ng mga binuking nito. Gaya ng suntukan nina Gabby Concepcion and the late Alfie Anido na parehong nanligaw sa kanya habang ginagawa nila ang Katorse. Mas bata sa kanila ni Alfie si Gabby, pero nanligaw pala sa kanya.

Naalala rin ni Dina na tinanong niya si Gabby kung nagli-lipstick ba dahil lagi raw mapula ang lips. Putol ang napanood naming video, hindi nabanggit ni Dina kung ano ang naging sagot ni Gabby sa kanya.

Binuking din ni Dina na napakaseloso ni Vic Sotto na pati sa paggu-grocery ay tsine-check nito. Pati ang nabura niyang lipstick na­ging isyu at bakit daw wala na siyang lipstick. Kahit sumagot siyang kumain siya ng hotdog, ayaw maniwala ni Vic. Kung anu-ano raw ang naiisip nito dahil sobrang seloso.

Jose, makikipagbakbakan kina Boy at Bea

Kasusulat pa lang namin kahapon na dalawa sa judges ng Battle of the Judges, ang reality talent show ng GMA ay sina Boy Abunda at Bea Alonzo. Apat ang judges at sina Bea at Boy palang ang nababangit.

Well, ang isa pang judge ay si Jose Manalo at comment agad ng netizens, bagay kay Jose ang ma­ging judge sa mga ganitong talent show na pamatay ang mga talent ng contestant.

Nababanggit na rin na kabilang sa mga hurado si Atty. Annette Gozon at ngayong kumpleto na ang judges, puwede na sigurong i-announce na sa July na magsisimula ang Battle of the Judges hosted by Alden Richards.

Gusto sana ng fans, magsimula na ang reality talent show dahil gusto nilang mapanood ang magiging interaction nina Alden at Bea dahil sa tsikang nagkaroon sila ng differences sa taping ng Start-Up.

vuukle comment

GIGI DE LANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with