Bayang Barrios 35 years na ang career, may first solo anniv concert
Naka-35 years na pala sa pagiging musical performer si Bayang Barrios kaya naman nabigyan siya ng titulong Katutubong Diva.
Bilang pag-celebrate ng kanyang tatlong dekada at kalahati sa mundo ng musika, magkakaroon siya ng first solo concert sa CCP Black Box Theater on May 6.
Mga special guest ni Bayang sa kanyang bonggang anniversary concert ay sina Joey Ayala, Gary Granada, Lolita Carbon, Cooky Chua, and Poppert Bernadas. The concert will be directed by Floy Quintos.
Marahil ay hindi kilala ng Gen X si Bayang pero kung igu-Google nila ito, kabilang si Bayang (Junelie Barrios in real life) sa nagtaguyod ng Philippine folk music gamit ang indigenous instruments. Taga-Bunawan, Agusan del Sur si Bayang at isa siyang proud Manobo.
Simula pa noong 1995, nakilala na ang music style ni Bayang at siya ang boses sa likod ng mga awitin na Malayo Man, Malapit Din, Bagong Umaga, Pag Nanalo ang Ginebra, at ang theme song ng GMA telefantasya na Encantadia.
Bukod sa pagiging singer at miyembro ng Naligayan band, isa rin siyang teacher, theater artist, designer, peace advocate at ina sa anak nila ng mister niyang si Mike Villegas.
Barbie, iba ang gagawin sa pelikula nila ni David
Hindi raw mabibitin sa kilig moments ang pelikulang pagsasamahan nina Barbie Forteza at David Licauco na may titulo na That Kind Of Love.
Ayon sa dalawang Sparkle stars, a very different Barbie and David daw ang mapapanood sa unang movie nila together. Kaya asahan daw ng BarDa fans ang pag-level up ng kanilang unang screen tandem nila.
Sey ni Barbie, “it’s a rom-com, pero ibang David and Barbie ‘yung makikita niyo. Totally different from our previous projects tulad noong Heartful Cafe, ‘yung Mano Po, and definitely, different from Fidel and Klay. I think the goal of this film is really to make the audience feel in love. Promise ramdam ang love sa movie namin.”
Ipapalabas din daw ang That Kind Of Love sa ibang bansa na ikatutuwa ng BarDa fans, lalo ‘yung OFWs na sumubaybay sa FiLay loveteam nila.
Bukod sa Pilipinas, kukunan din ang ilang eksena ng pelikula sa ibang bansa, ngunit hindi muna sinasabi nina Barbie at David kung saan sila magsu-shoot abroad.
Hollywood actor na si Kevin Costner, hiwalay na sa misis
After 18 years ay naghiwalay na ang Hollywood actor na si Kevin Costner at ang kanyang wife na si Christine Baumgartner.
Ayon sa report ng TMZ, nag-file na si Christine ng divorce papers citing “irreconcilable differences.” Hinihiling din ni Christine ang joint custody sa tatlong anak nila ni Kevin na sina Cayden Wyatt (15), Hayes Logan (14), and Grace Avery (12). Hindi na rin ito humingi ng spousal support dahil meron silang prenup ng aktor.
Rumesponde agad ang rep ng 68-year-old Oscar winner sa divorce at joint custody case ni Christine.
“It is with great sadness that circumstances beyond his control have transpired which have resulted in Mr. Costner having to participate in a dissolution of marriage action. We ask that his, Christine’s, and their children’s privacy be respected as they navigate this difficult time.”
Noong nakaraang taon pang may usap-usapan na may problema sa 18-year marriage ni Costner. Nangyari ito habang tinatappos niya ang final season ng hit series niya na Yellowstone. Pero pinabulaanan ito ng aktor at nakapagbakasyon pa silang mag-asawa sa London.
Ito ang second marriage ni Costner. Una siyang kinasal kay Cindy Silva noong 1978 at nag-divorce sila noong 1994.
- Latest