^

Pang Movies

Puso ni Gardo, may bara pang 80 percent

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Puso ni Gardo, may bara pang 80 percent
Gardo Versoza

Lumarga na agad sa trabaho si Gardo Versoza. Nakita siya ng media nang dumalo sa kinabibilangan niyang TV5 sitcom na produced ng APT Entertainemnt, ang Jack & Jill sa Diamond Hills, na pinagbibidahan nina Jake Cuenca at Sue Ramirez.

Sumailalim sa angioplasty si Gardo dahil sa stroke. Eh sa pahayag niya, ready na siyang magtrabaho.

“Natanggal na ‘yung 100 percent sa isang nakabara.

“Pero sasailalim pa ako sa isang operasyon dahil ‘yung isa may 80 percent buma-block. Pero ready na akong magtrabaho.

“Eh dumating sa akin ang project bago ako na-stroke. Habang nasa ospital, tumulong sa expenses ang APT at natutuwa ako dahil kasama pa rin ako sa sitcom,” sabi pa ni Gardo.

Eh kahit limitado na ang todo-exercise, “Hindi naman ako pinagbawalan ng mga doctor na mag-TikTok! Nakakatulong daw ‘yon!”

Bukod kina Jake at Sue, makakasama ni Gardo sa sitcom sina Ara Mina, Nico Antonio, DJ Onse, basketbolistang si Willie Miller at iba pang baguhan.

Makikilala na sina Jack at Jill sa telecast ng action-comedy sitcom sa May 14, Sunday, 6 p.m. sa direksiyon ni John Lapus.

vuukle comment

ACTOR

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with