Thai actor Mario Maurer, babalik ng ‘Pinas!
Tiyak na matutuwa ang Filipino fans ng Thai star and model na si Mario Maurer (of German descent) –34 dahil nakatakda itong bumalik ng Pilipinas sa darating na Hunyo where he is part of the performers sa The Exchange: Thailand na gaganapin sa World Trade Center on June 22, 2023 at 7 p.m. Makakasama niya ang ilang Filipino celebrities tulad nina Donny Pangilinan, BGYO at si Mike Angelo.
Kung matatandaan pa, si Mario ay unang dumating sa Pilipinas in October 2011 bilang celebrity endorser ng clothing line na Penshoppe and even participated sa Philippine Fashion Week na ginanap sa SMX Convention Center nung Oct. 29, 2011. The following year, 2012 ay muli siyang bumalik ng Maynila to promote his first movie under Star Cinema, ang Suddenly It’s Magic kung saan niya nakapareha si Erich Gonzales. Muli siyang bumalik nung Aug. 3, 2013 for his fan meet.
Coronation day ni King Charles III, tinututukan!
Tiyak na nakatutok ang buong United Kingdom at ang buong mundo (including the Philippines) sa nalalapit na coronation day ng bagong Hari ng Britanya at ang kanyang kabiyak na si Camilla, Queen Consort sa darating na Sabado, May 6, 2023. Ito’y gaganapin sa Westminster Abbey in London, England.
Si King Charles III ay pang-40th reigning monarch magmula pa nung 1066.
Bago ang coronation ay magkakaroon ng procession na magmumula ng Buckingham Palace. Ang imbitadong guests (royals and head of states mula sa iba’t ibang bansa around the world) ay inaasahang maghihintay sa labas ng Buckingham Palace.
Ang 200 members of the armed forces mula sa Sovereign’s Escort of the Household Cavalry ay magiging bahagi ng procession patungong Westminster Abbey. May nakahiwalay na 1,000 service personnel ang nakalinya sa route ng procession.
Ang korona ay gawa pa nung 1661. Ito’y ginagamit kapag kinokoronahan ang isang monarch at pampita si King Charles III sa magsusuot nito pagkatapos nina Charles II, James II, William III, George V, George VI at si Elizabeth II na siyang huling nagsuot nito sa kanyang coronation in 1953.
Ang Presidente ng Pilipinas na si Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ay kasama sa state leaders na dadalo sa konorasyon ng bagong Hari at Queen Consort.
- Latest