^

Pang Movies

Cindy, nalaliman kay JM

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Thankful ang dating beauty queen-turned Viva actress na si Cindy Miranda dahil matapos niyang gumawa ng sexy films na naipalabas sa streaming app ng Viva, ang Vivamax ay binigyan na rin siya finally ng kanyang home studio, ang Viva ng pelikulang hindi niya kailangang mag-bare at magpa-sexy sa pamamagitan ng pelikulang Adik Sa `Yo, isang romance-drama movie na sinulat ni Mel del Rosario na pinagtatambalan nila sa unang pagkakataon ng Kapamilya singer-actor na si JM de Guzman under Viva Films. “I have always been a fan of JM,” pag-amin ni Cindy.

“Napakagaling niyang actor, magaling pang kumanta,” dagdag pa niya.

“Tahimik lang si JM pero malalim,” kaswal pang kwento ng dating beauty queen.

Hindi man natuloy ang parangap sa kanya ng kanyang parents na maging doctor, wala umano siyang pinagsisisihan.

Her dad passed on six months before the pandemic habang ang kanyang ina at mga kapatid (all nurses) ay nasa Dubai kaya siya na lamang ang bumibisita roon at mag-isa siyang namumuhay rito sa Pilipinas.

Si Cindy at Rhen Escaño ay kasabay na ni-launch ng Viva Films sa sexy-suspense movie na Adan na dinirek ni Roman Perez, Jr.

Ryza, naka-recover na sa depresyon

Hindi ikinakaila ng Viva actress na si Ryza Cenon na dumaan din umano siya sa phase ng depression pero na-overcome niya ito.

Mas nagkaroon ng kahulugan ang kanyang buhay nang dumating ang kanyang anak na si Night (2) sa kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz.

Si Night ay isinilang nung Oct. 31, 2021.

Kung matagal-tagal mang nagpahinga ang aktres dahil sa kanyang pagbubuntis at pag-aalaga sa kanyang first born, ngayon naman ay sunud-sunod ang kanyang proyekto sa Viva.

Her first movie for the year, ang Kunwari Mahal Kita with Marco Gumabao and Joseph Marco was shown last February at ngayong April 26 ay palabas naman ang Sa Mula kung saan niya co-star si Xian Lim mula sa panulat at direksyon ni Fifth Solomon. Kasama rin ang actress sa bagong comedy sitcom ng TV5, ang TV adaptation ng Kurdapya na unang ginampanan sa pelikula ng veteran actress na si Gloria Romero in 1954 mula sa panulat ni Pablo S. Gomez.

May guest appearance rin si Ryza sa tumatakbong action-drama TV series ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo.

Pamu, nanganak na rin

Ina na ring ganap na ina ang 31-year-old ex-PBB: Unlimited 2nd placer-turned actress na si Pamu Pamorada courtesy of her fiancée na si Mitchell Hapin.

Baby girl ang isinilang niya na kanilang pinangalanang Baby Zaia.

Si Pamu ay huling napanood sa telebisyon sa recently concluded TV series ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang 2 Good 2 Be True.

vuukle comment

CINDY MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with