^

Pang Movies

Junior actor, tuloy ang suporta sa naanakang non-showbiz girl

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Miyerkules Santo ngayong araw. Pero mukhang walang epek ang Mahal na Araw sa isang non-showbiz girl na naanakan ng isang magaling na junior actor, huh!

Eh nagkahiwalay man ang dalawa, patuloy namang suportado ng aktor ang anak. Regular ang sustento pero hindi niya regular na nakikita ang anak, huh!

Minsan, sa school lang nadadalaw ng aktor ang anak. Kung minsan naman, limitado ang oras na ibinibigay ng nanay sa ama nito, huh!

Feeling ng nakaaalam sa dilemma ng aktor, nagseselos ang dating asawa sa nilalandi ngayon ng aktor. Eh ang babae naman ang umayaw, kaya hayaan naman niyang lumigaya ang dating asawa, huh!

Gladys, ‘di kinayang maglagare sa float

Unforgettable kay Gladys Reyes ang Summer Film Festival ngayon.

Unforgettable kasi dalawa ang entries na kasama siya, ang Apag at Here Comes The Groom.

Pero mas unforgettable ang experience ni Gladys noong Parade of Stars, huh! Siyempre, gusto niyang sakyan ang float ng movie niya.

Sa guesting ni Gladys sa Maritess University, una muna siyang sumakay sa float ng Apag. ‘Yun nga lang, number 6 ang float nito habang number 3 ang float ng Here Comes The Groom.

Sinubukan niyang bumaba para habulin ang sumakay sa float ng comedy entry.

“Naloka ako! Hindi ako makatakbo papunta sa float. Gusto ko na sanang sumakay ng habal-habal o motor para makahabol sa float!

“Eh hindi kinaya ng powers ko ang humabol kaya humingi na lang ako ng dispensa ng Atty. Joji (producer ng Here Comes The Groom) sa nangyari. Nakakaloka ‘yung experience ko na ‘yon!” kuwento ni Gladys.

Pero huwag ka, matunog sa pagiging best supporting actress si Gladys sa dalawa niyang movie, huh!

Good luck, Gladys!

vuukle comment

MAHAL NA ARAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with