^

Pang Movies

Nancy nag-unfollow ulit kay James

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nancy nag-unfollow ulit kay James
Nancy

Tanong ng netizens kung nagkaroon ba ng relasyon sina James Reid at Nancy McDonie? Ito ay dahil in-unfollow nito sa Instagram si James na that time, pumutok ang balita kina James at Issa Pressman.

Kung friends lang daw sila, hindi i-a-unfollow ni Nancy si James na actually, puwede rin. Baka nagkaroon sila ng conflict at friends kaya ‘yun ang ginawa ni Nancy.

Pero ang chika, in-unfollow muna ni Nancy ang lahat ng pina-follow niya sa IG nang lumipat siya ng agency. Nang ma-settle na siya sa kanyang new agency, ibinalik niya ang pagpa-follow sa mga kaibigan kabilang si James, na ngayon ay naka-unfollow na ulit.

Lotlot at inang si Nora, ayos na ulit ang relasyon

Ang daming natuwa nang i-post ni Lotlot de Leon ang video call nila ng mom niyang si Nora Aunor kasama ang mga anak na sina Janine, Maxine at Diego Gutierrez.

Sapat na rin ang caption niya sa post na “Love you ma” at hindi na siya hinanapan ng mahabang post.

Hindi na rin nagkuwento si Lotlot ng napag-usapan nila at hindi na siya kinulit ng Noranians.

Binati siguro nito si Lotlot na birthday noong isang araw. ‘Kaloka lang, bakit sa Google, Feb. 16 ang birthdate ng aktres.

Sabi pala ni Lotlot, grateful siya sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, kasama rito ang blessings from showbiz dahil hindi siya nawawalan ng project.

Ang latest project niya ay ang series ng GMA Public Affairs na The Write One kung saan, gumaganap siyang ina ni Ruru Madrid.

Magkasama sila ng ex niyang si Ramon Christopher na gumaganap namang ama ni Ruru.

Naalala namin ang tsika niya na masaya ang mga anak nila ni Monching na muli silang nagkasama sa trabaho at siguradong kabilang ang apat na mga anak sa nanonood ng The Write One.

Tinututukan kaya nila ang mga eksena ng kanilang parental?

vuukle comment

NANCY MCDONIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with