^

Pang Movies

Juancho, kabado sa second baby nila ni Joyce  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Juancho, kabado sa second baby nila ni Joyce         
Juancho Family

Pinaghahandaan na raw ni Juancho Triviño ang pagdating ng second baby nila ng misis na si Joyce Pring.

Nasa ika-34th week na ng pregnancy si Joyce at malapit-lapit na raw ang due date nito, kaya kailangan daw ay maayos na ang lahat para sa pagdating ng second angel nila sa pamilya.

“Lahat ng makakaya naming gawin as of now pa lang, ginagawa na namin like ‘yung hospital bag niya, saka siyempre all the leaves at saka ‘yung mga advanced na materials that we need to shoot para tuluy-tuloy pa rin ‘yung social media namin kahit nagpapahinga siya,” sey ni Juancho.

Inamin ng Sparkle actor na may kaba siya dahil magiging ama na siya ng dalawang bata.

“Trying to gather myself pa lang. Sinabi sa’kin ng mentor ko na kapag isa pa lang ‘yung anak n’yo, two on one kayo. Pero ‘pag dalawa na, man to man na ‘yan,” tawa pa niya.

Mabuti raw at pahinga muna sa paggawa ng teleserye si Juancho after ng Maria Clara At Ibarra kunsaan hinangaan ng marami ang pagganap niya bilang si Padre Salvi.

Hinahanapan siya ng netizen ng bagong teleserye, pero mukhang mag-focus muna si Juancho sa malapit na panganganak ng kanyang misis.

vuukle comment

JUANCHO TRIVIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with