^

Pang Movies

Tonton, ‘di makakalimutan ang mga katrabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Tonton, ‘di makakalimutan ang mga katrabaho
Tonton

Nag-i-enjoy at memorable kay Tonton Gutierrez ang bawat pagre-report niya sa taping ng Hearts On Ice dahil masaya raw sa set at magaang katrabaho ang lahat.

Pinuri rin niya ang husay at pagiging professional ng young cast sa pangunguna nina Ashley Ortega at Xian Lim. “Ang gagaling nila, they are very professional. At saka tutok sila sa kanilang craft, sa kanilang trabaho,” kuwento ni Tonton sa GMANetwork.com.

Kampante rin si Tonton na magugustuhan ng viewers ang Hearts On Ice dahil bagong tema at bago ang kuwento. Kinu-consider nga itong the first figure-skating series on Philippine Television.

“It is something new, this is the first time na may gagawa ng ganitong istorya. Since it’s a new one, bagong istorya, bagong tema, siguradong magugustuhan din ng viewers,” patuloy ni Tonton.

Sa Hearts On Ice, gagampanan ni Tonton ang role ni Gerald, construction company owner at kapatid ni Yvanna (Rita Avila). Siya rin ang ex ni Libay (Amy Austria) at engaged kay Vivian (Cheska Iñigo) na ina ni Enzo (Xian).

Sa March 20 na ang world premiere ng Hearts On Ice sa direction ni Dominic Zapata.

Iya, sinaway sa pagtawag na ‘tiny’ sa kanilang bahay

Kinol-out ng netizens si Iya Villania dahil sa sinabing “tiny home” ang house nila ni Drew Arellano sa may Rizal. Huwag daw niyang tawaging tiny ang house nila dahil hindi naman tiny ito. Sagot ni Iya, “It really is you’ll understand when you see it.”

Sa nag-comment pang hindi niya maintindihan kung bakit tiny ang tawag niya sa bahay nila ni Drew, sagot ni Iya, “The house itself is tiny! I promise! Not even trying to be humble. The kitchen is outside and there are no rooms:) but the house wasn’t designed to be lived in anyway so that’s okay.”

Hindi niya na sinagot ang tanong kung bakit niya nasabing hindi designed to be lived in ang bahay. Pero, sa mga larawan, malaki ang bahay, ang bedroom ay parang nasa attic at may bunk bed. Pero, mas malaki ang playground ng mga bata.

But Iya and Drew’s friends, find the house beautiful at may nag-comment nga na very Aussie ang bahay. “It’s like you took a Sydney home and plopped it in Manila.”

Sa reaction ni Iya na laughing emojis, nag-a-agree siya sa comment ng mga kaibigan.

Singapore-based pinay teenager, nagwagi sa bashers

Naalala ninyo ang Singapore-based Filipina teenager na si Zoe Gabriel na na-bash dahil sinabing luxury brand and Charles & Keith. Niregaluhan kasi siya ng dad n’ya ng Charles & Keith bag at sa tuwa nito, pinost na ang bag ang first luxury brand na natanggap niya.

Dahil doon, na-bash si Zoe pero, ang kapalit noon, ipinatawag siya ng owner ng Charles & Keith at binigyan ng tour sa headquarters sa Singapore. Binigyan din siya ng two renditions ng iconic Gabine bag ng brand na personalized at para lang sa kanya.

More good news sa kanya, kinuha siyang brand community ambassador ng Charles & Keith as part ng International Women’s Day campaign. Pinost niya ang photo shoot niya at ibang-iba na siya sa dating si Zoe Gabriel.

Sabi siguro nito sa bashers niya, “who u?” dahil siya ambassador at ang bashers ay nanatiling bashers.

TONTON GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with