Connie Sison, lumayas sa UH!
Pagkatapos ng 13 years ay nagpaalam na ang radio/TV host at broadcast journalist na si Connie Sison sa morning show ng GMA na Unang Hirit. Si Connie ang news anchor ng news segment ng UH na Unang Balita, at sa iba pang segment ng programa.
Bagama’t hindi nagbigay ng kanyang rason kung bakit nagpaalam si Connie sa UH, mapapanood pa rin siya sa ibang programa ng GMA Public Affairs, mapa-TV o radyo.
Naging emotional ang mga kasama ni Connie sa UH, partikular si Suzi Entrata-Abrera na naging matalik niyang kaibigan simula pa noong magkasama sila sa UH.
No final goodbyes, just see you around, ika nga dahil magkikita-kita pa rin sila sa compound ng GMA dahil nananatiling host si Connie ng radio show niyang Pinoy MD sa Dobol B at One on One: Walang Personalan na umaga ring napapakinggan sa Super Radyo DZBB 594khz at napapanood sa GTV.
Nanatili ring news anchor si Connie ng noontime newscast na Balitanghali kasama si Raffy Tima.
Hollywood actor tom sizemore, coma
In critical condition ang Hollywood actor na si Tom Sizemore pagkatapos itong mag-collapse sa kanyang tahanan sa Los Angeles dahil sa brain aneurysm.
Noong araw na naospital siya, papunta pa naman ang 61-year-old actor sa Harvelle’s Nightclub dahil nagtuturo siya ng acting class.
Nagbigay ng update ang manager ni Sizemore na si Charles Lago sa kalagayan ng aktor. Hindi nga raw maganda ang lagay ng aktor at kailangan ang desisyon ng pamilya nito.
Ayon kay Lago: “Doctors informed his family that there is no further hope and have recommended end of life decision. The family is now deciding end of life matters and a further statement will be issued on Wednesday.”
Kasalukuyang comatose ang aktor sa ICU at wala raw pagbabago sa kondisyon nito. Humihiling ang pamilya ng aktor ng privacy para mapag-usapan nila ang kanilang gagawin.
Nakilala si Sizemore sa mga malalaking pelikula na ginawa niya tulad ng Born On The Fourth of July, Saving Private Ryan, Harley Davidson and the Marlboro Man, Natural Born Killers, True Romance, Heat, Black Hawk Down, Red PLanet at Pearl Harbor.
Nasangkot din sa iba’t ibang kaso si Sizemore tulad ng sexual assault, drug abuse at domestic violence. Nagkaroon din siya ng sex tape na The Tom Sizemore Sex Scandal noong 2005.
- Latest