Heart, bibiyahe na ulit sa Paris!
Lilipad na naman pala si Heart Evangelista pa-Europe soon para magtrabaho. Pero bago ‘yan, hindi naitago ng Kapuso actress ang sobrang excitement para sa linggong ito. “I’m very, very excited and happy this week ‘til I leave for Europe. I will be seeing all my friends and it will be so fun,” sabi niya sa isang interview.
Ngayong Tuesday, Feb. 14, Valentine’s Day, ise-celebrate ni Heart ang kanyang 38th birthday with friends and family. The following day naman, ang 8th wedding anniversary nila ng husband niyang si Sen. Chiz Escudero.
Nabanggit ni Heart na binigyan niya ng relo ang senador bilang anniversary gift.
“Mahilig kasi siya sa relo so meron akong line ng relo na kinukumpleto ko lahat ng kulay so that was my gift to him because time is of the essence!,” sabi pa niya.
Last year, isang yellow na Rolex Oyster Perpetual ang natanggap ni Chiz mula sa kanyang wife.
Anong color naman kaya this year?
Naging maugong dati ang balitang hiwalay na diumano sina Heart at Chiz. Inamin kasi noon ng aktres na may pinagdaraanan siyang “personal stuff.”
Pero recently, ipinamalas ng mag-asawa na matatag pa rin ang kanilang relasyon at pagsasama.
Kailan nga lang, magkasamang nagbakasyon sa Japan sina Heart at Chiz.
Maging ang mga senador ay kinilig nang maging topic sa isang session sa plenary ang reconciliation nila.
Kakaibang ngiti nga raw ang nakita ng mga senador kay Chiz nang biruin nila ang kasamahan sa Senado.
Marlo at Majoy, may kampanya sa 1000 days ni baby
Isang educational at entertaining na TV advocacy series ang hatid ng Knowledge Channel Foundation Inc., (KCFI) ngayong Valentine’s Day katuwang ang National Nutrition Council (NNC) sa I Love You 1000: Batang #Laking1000, na pagbibidahan nina Marlo Mortel at Majoy Apostol.
Nakasentro ang kwento sa bagong kasal na mag-asawa na sina Angela (Apostol) at Mark (Mortel) na bibigyang-linaw ang kahalagahan ng unang 1000 days ni baby.
Kasama ang doctors at experts, tatalakayin isa-isa ang mga usapin sa nutrisyon, kalusugan, pangangalaga at pag-unlad ng mga bagong silang na bata.
“Each episode is specially curated to address every concern and debunk superstitions on early childhood care. We hope to inspire more parents to raise young children in an environment that is nourishing, responsive, and safe,” pahayag ni KCFI president and executive director Rina Lopez.
Ang KCFI ang una at nag-iisang non-profit organization sa bansa na gumagawa ng curriculum-based videos at patuloy na nagbibigay ng transformative learning experience sa mga guro, estudyante, health workers at mga magulang. Patuloy lang ang KCFI sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang hanay ng gobyerno para mas mapalawak ang access nito.
“This collaboration with the NNC started out as a response to continuously provide nutrition education classes to Filipino parents and caregivers. Sharing the same mission, we believe that early childhood care and nutrition are critical topics that we need to address today,” saad pa ni Lopez.
Coco, first time maging co-prod sa Quiapo
Ngayong gabi na mag-uumpisa ang FPJ’s Batang Quiapo.
Ito ang unang sabak ni Coco bilang aktor, co-director at co-producer.
Inaabangan kung mapapantayan nito ang FPJ’s Ang Probinsyano na mahigit anim na taong namayagpag sa ere.
Mapapanood sa action-comedy series si Coco bilang si Tanggol/Baldo, isang pasaway ngunit mapagmahal na anak sa kanyang nanay (Cherry Pie Picache), tatay (John Estrada), lola (Charo Santos), at nakababatang kapatid (McCoy de Leon). Gagampanan naman ni Lovi si Mokang, ang magandang kaibigan ni Tanggol na magpapakilig bilang kanyang “partner in crime.”
Pagbibidahan din ito nina Tommy Abuel, Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Jojit Lorenzo, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, Lou Veloso, Susan Africa, Pen Medina, Lito Lapid, Irma Adlawan, at Christopher de Leon, kasama ang co-director ni Coco na si Malu Sevilla.
Bukod sa kanila marami rin siyang mga kinuhang mga social media star tulad ng mag-asawang vloggers na sina Lovely at Norvin De la Pena.
Ganundin si Toni Fowler na sikat sa YouTube.
- Latest