^

Pang Movies

Jenny Miller, inaming naging martir sa asawa  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jenny Miller, inaming naging martir sa asawa               
Jenny

Hinihintay na lang daw ni Jenny Miller na ma-annul ang civil marriage niya para tuluyan na raw siyang maging single ulit.
Taong 2015 nang maghiwalay sila ng mister niyang si Cupid Feril pagkatapos ng limang taong kasal sila. Ayaw nang ikuwento ni Jenny kung bakit sila naghiwalay. Mas nakabuti raw ang paghihiwalay sa kanilang dalawa.

Mabuti na lang daw at nandyan ang pamilya at mga kaibigan para suportahan ang desisyon niya.
“Ako ang nag-aasikaso ng annulment papers namin. Gastos ko lahat pati lawyer. All I ask kay Cupid ay ang cooperation niya. May mga taong nanghihinayang sa naging samahan namin, pero kung alam lang nila ang pinagdaanan ko, baka ipagpatayo nila ako ng rebulto dahil sa pagi­ging martir ko,” diin pa niya.
Kaya sa nalalapit na 43rd birthday ni Jenny sa Feb. 5, isa sa wishes niya ay ang ma-grant na ang annulment na matagal na niyang gustong makuha.
“Itong darating na birthday ko, it’s like my rebirth. Gusto kong mabago ang lahat para sa akin this year.”
Ready na bang ma-in love ulit si Jenny?

“Naku hindi pa. Maraming nagpaparamdam, pero dedma muna ako sa kanila. I want to love myself muna. Ilang years din akong naging malungkot, natakot at nagduda sa sarili ko. Ngayon I choose myself – I choose to happy!”

Pokwang, pinalalayo sa ‘whore’ ang kanilang anak ni Lee

Marami ang nagulat sa na-share na note ni Pokwang sa Instagram. Nakalagay kasi ay “keep that whore away from my daughter.”

Ito ay tungkol siguro sa bagong girlfriend ng ex-partner niyang si Lee O’Brien

Binuking kasi ni Pokwang sa social media na may bago nang girlfriend  si Lee. “Wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay,” comment pa ni Pokwang sa isang post ni Lee.
Pinaalahanan din ng Kapuso comedian-host na ang joint business venture nila ni Lee ay nagtapos na rin. Ang kanilang Poklee Food Products ay wala na raw at kung may magbenta nito online, scammers daw ang mga iyon.

Solo na raw si Pokwang sa food business niya at ang bagong pangalan nito ay Mamang Pokwang na.

Alec Baldwin, kinasuhan na

Pormal na kinasuhan na ang Hollywood actor na si Alec Baldwin with involuntary manslaughter dahil sa nangyaring accidental shooting sa isang cinematographer on the set of the low-budget western film na Rust.
Kasama rin sa kinasuhan ay ang armorer ng pelikula na si Hannah Gutierrez Reed na siyang may responsibilidad sa mga ginagamit na weapons sa set.

Ang pinagamit na baril kay Baldwin ay biglang pumutok na siyang ikinasawi ni Halyna Hutchins.

Ayon sa New Mexico First Judicial District Attorney Mary Carmack-Altwies, if convicted, parahong makukulong si Baldwin at Reed for 18 months at multa na tig-$5,000.

Ayon sa report, noong October 2021 ay hawak ni Baldwin ang isang Colt. 45 gun na biglang pumutok habang nagre-rehearse sila ng eksena.

vuukle comment

JENNY MILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with