^

Pang Movies

Maureen, inaming nagpapagaling pa sa trauma   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maureen, inaming nagpapagaling pa sa trauma            
Maureen

Sa kanyang TikTok video na ipinost ng beauty queen na si Maureen Wroblewitz, inamin niyang nagkaroon siya ng trauma sa kanyang huling relasyon at kasalukuyan pa lang siyang naghi-heal mula rito.
Sa video na kanyang ipinost ay makikitang nili-lip synch niya ang bahaging ito ng kantang Flowers ni Miley Cyrus: “Started to cry but then remembered I, I can buy myself flowers, write my name in the sand, talk to myself for hours.”
Sa caption ay sinabi niyang hindi pa raw siya nagsasalita sa nangyari sa kanyang past relationship at hindi raw alam ng tao ang nagaganap sa kanila behind closed doors.
“I’ve never really spoken about my past relationship but this song really speaks to me. that’s the thing about being in a public relationship, no one really knows what happens behind closed doors,” aniya.

Briefly ay sinabi niya ang kanyang pinagdaanan sa kanyang ex-boyfriend at binanggit na sa kasalukuyan ay naghi-heal pa raw siya sa trauma na naranasan.
“I have lost myself over the past few years and i’m finally realizing who i really am. i am working on myself and healing from past trauma because i don’t want to make the same mistakes,” pagbabahagi ng Miss Universe Philippines 2021 first runner-up.
 “Maybe one day i’ll be ready to speak about it because i know it could help a lot of people,” saad pa ni Maureen.
Bagama’t walang pangalang binanggit si Maureen kung sino ang kanyang ex-boyfriend, every­body knows na ang kanyang last public relationship ay ang singer na si JK Labajo.
Matatandaang taong 2019 nang aminin nina Maureen and JK ang kanilang relasyon. Taong 2021 naman nang kumpirmahin nila ang kanilang breakup.

Angeli, ayaw maging reyna

Naging maganda ang taong 2022 para sa sexy actress na si Angeli Khang. Sunud-sunod ang pelikulang ginawa niya na pawang kabilang sa most viewed movies sa Vivamax kaya naman binansagan siyang Vivamax Queen.

For this year, tuluy-tuloy pa rin ang pagbongga ng career ni Angeli dahil kasisimula pa lang ng taon ay may pelikula na agad siya, ang Bela Luna na mapapanood sa Vivamax.
Kaya naman sobrang grateful and thankful ng Vivamax siren sa Viva Films na lagi siyang binibigyan ng magagandang proyekto.
As for the Vivamax Queen title, ayon kay Angeli ay hindi raw niya ito ipinapasok sa kanyang utak.
“Naku, ayokong isipin or i-claim. Basta ang lagi ko lang iniisip, I just have to do my best in every project they give me.
“Sobrang nagpapasalamat ako sa Viva kasi tuluy-tuloy lang ang movies ko, which is a blessing kasi gusto ko pa mag-grow in every project that I do. Hindi naman ako mahilig sa titles na queen ng kahit ano,” pahayag ni Angeli sa virtual mediacon ng Bela Luna.
Sa nasabing pelikula ay bagong Angeli naman ang mapapanood sa kanya dahil for the first time ay dual role naman ang gagampanan niya.
Of course, ang isa sa ipinagmamalaki rin ng pelikula ay ang winning tandem ni Angeli at ni direk Mac Alejandre. Kung matatandaan, ang nasabing direktor ang nagdirehe ng successful projects ng sexy star sa Vivamax tulad ng mga pelikulang Silip Sa Apoy, Selina’s Gold, at ang seryeng Wag Mong Agawin ang Akin.
Mapapanood na sa Jan. 27 sa Vivamax ang Bela Luna mula sa panulat ni Ricky Lee.

vuukle comment

MAUREEN WROBLEWITZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with