Dawn, ‘di mahilig sa libre?!
Marami kaming naririnig na kuwestiyon kung bakit daw ang aktres na si Dawn Zulueta ay nakasama sa entourage ni Presidente BBM sa Switzerland. Ang sinasabing entourage ay binubuo ng 70 katao, na kinabibilangan ng mga opisyal at mga economic managers bukod sa mga negosyante.
Bakit naroroon si Dawn? Si Dawn ay asawa ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo.
Maaaring nakasama siya, pero malamang na gastos niya.
Isipin na lang ninyo ang yaman ng pamilya nila at ‘yung mga kinikita ni Dawn bilang isang aktres ay sobra-sobra pang pang-biyahe niya.
Matagal na naming kilala si Dawn. Siguro isa kami sa kauna-unahan niyang nakilala nang pumasok siya sa show business.
Siguro rin kami ang nakakaalam ng buhay niya simula noon.
Alam namin ang ups and downs ni Dawn. At sa kanyang buhay, isang bagay ang masisiguro namin, hindi siya iyong magsasamantalang magpalibre sa kahit na anong bagay. Noon maski sa set, may dumating siyang bisita, pakakainin niya, siya ang nagpapabili ng pagkain at gumagastos.
Maski softdrinks na iniinom niya noon, gusto niya siya ang magbabayad. Kung iyon ang nakalakihan niyang ugali, bakit nga ba kami magdududa na nagpalibre siya sa biyaheng iyan sa Switzerland?
Kung tutuusin, ok lang naman iyang may kasama ang isang opisyal ng gobyerno, lalo na nga’t legal wife siya.
Straight to streaming movies, tuloy ang ligaya sa hubaran
Positibo naman ang narinig naming resulta ng ilang pag-uusap sa pagitan ng mga kinatawan ng MTRCB at ng producers ng mga pelikulang straight to video.
Marami ang nagsasabing ang mga pelikulang iyan ay kailangang dumaan sa MTRCB, dahil bagama’t iyan ay sa internet lamang lumalabas, may bayad ang panonood, at sino mang magbayad ay makakapanood. Kahit na nanonood sila sa loob ng kuwarto nila, dahil may bayad “public exhibition” pa rin.
Ang kailangang ipatupad ay iyong classification standards ng telebisyon. Ok lang na SPG, pero hindi puwede ang Restricted. Siguro ang SPG, gaya rin ng ginagawa sa cable, iyan ang ipalabas nila kung medaling araw, on demand. Dapat na mawala rin ang pagbubuyangyang ng private parts ng mga artista nila na siya lamang ginagawang puhunan ng ibang mga pelikula.
Hindi nila maikakaila ang klase ng publisidad nilang inilalabas sa social media. Mahalay talaga ang mga iyon.
Puwede rin naman kung gusto nila na maglagay ng porno cinema, kagaya ng ginagawa sa ibang bansa. Kung gusto mo lang na mamboso sa mga artista, doon ka pumasok sa porno cinema. Iyang porno isang industriya na rin iyan sa ibang bansa, pero i-classify natin, hindi sila karaniwang pelikula.
Iyang mga umaangal, tigilan na nila ang angal nila. Kung nagrereklamo silang ayaw silang ipalabas sa isang theater chain dahil mahalay ang pelikula nila, karapatan iyon ng mga may-ari ng sinehan. Iyan din namang internet streaming, may karapatan ang gobyerno na ma-control iyan para sa maayos na pamumuhay.
Sexy star, maraming naharbat sa pamamasyal sa abroad
Isang linggong nagliwaliw sa abroad ang isang sexy female star. Sa kanyang internet posts, kung saan-saan siya namasyal at nag-shopping. Pero may isa siyang kakilala na nagtataka, bakit daw sa kabila ng napakalaking gastos na iyon, nang umuwi ang sexy female star ay mas marami pang dalang pera.
Hindi kaya nanalo naman siya sa lottery sa abroad?
- Latest