^

Pang Movies

Matt Lozano, muntik wakasan ang buhay  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Matt Lozano, muntik wakasan ang buhay         
Matt

Mas naging disiplinado raw si Matt Lozano noong mapili siya na gumanap bilang si Big Bert Armstrong sa live-action adaptation ng GMA ng Voltes V: Legacy.

Inamin ni Matt na ang kanyang timbang ang naging problema niya noon kaya siya na-depress at muntik na siyang mag-suicide. Pero nahimasmasan daw siya at tinuon ang kanyang focus sa paggawa ng music na siyang naging saving grace niya.

“Matagal ko nang problema ang weight ko... Ang problema ko lang ‘yung disiplina. Ngayon lang ako nagkaroon ng disiplina sa sarili ko kasi mayroon tayong mala­king pinaghahandaan, eh. Nakaka-proud kasi kaya ko rin pala na maging disiplinadong tao,” sey ni Matt.

Ang pinakamabigat na inabot daw ng kanyang timbang ay 278 pounds. Ngayon ay 240 pounds na lang siya dahil sa high-protein diet.“Right now I’m 240 pounds, may muscles na pero malaki pa rin ang body fats. Pero mini-make sure ko kasi na healthy pa rin ang pagkain ko. Nagwo-workout ako regularly para rin handa ako pagkawala akong ginagawa, patuloy pa rin ako nagre-review ng scripts ko.”

Naranasan din ng body shaming si Matt. Pero hindi raw iyon naging hadlang para hindi niya ituloy ang mag-audition noon para sa Voltes V: Legacy. Hanggang sa sumabak siya sa matinding martial arts training at cinematic stunts para sa naturang serye.

“Alam mo ‘yung pakiramdam ko nu’ng time na ‘yun, parang body shaming sa sarili. Kasi doon ko nakita sa sarili ko na, ‘Ano ang ginagawa ko sa sarili ko bakit ako naging ganito?’

“Proud ako na sabihin din na kahit malaki ako, kaya ko ‘yan kasi nagte-training kami. And thankful ako kasi sa Voltes V, nabago nila ako. Kahit na mataba pa rin ako, I can say na I’m healthy.”

Bukod kay Matt, kasama rin sa cast sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, at Raphael Landicho.

Hollywood actor na si Jack Nicholson, nakakulong na lang sa kanyang mansyon

May pangamba ang mga kaibigan ng Hollywood actor na si Jack Nicholson dahil matagal na raw nilang hindi ito nakikita. Hindi raw ito lumalabas ng kanyang mansyon sa Beverly Hills.

Hinala nila ay naging isang recluse na ang 85-year-old actor dahil sa posibleng sakit nito na dementia.

Huli raw nilang nakita in public ang three-time Oscar winner ay noong October 2021 noong manood ito ng Lakers game sa Staples Center in Los Angeles kasama ang anak niyang si Ray. Simula noon ay hindi na raw nila ito nakita in public.

Ayon sa isang source, ayaw raw lumabas ng aktor sa magarang mansyon nito na binili niya sa yumaong kaibigang si Marlon Brando noong 2005 sa halagang $5 million. Meron itong 3,303-square-foot property at ang mansion ay may four bedrooms, three bathrooms, and a swimming pool.

Sey ng anak ni Jack na si Ray, ayaw na raw makipag-socialize ng kanyang ama: “He’s made it clear his home is his castle. He’s still in touch with me and other certain relatives, but his socializing days are long gone.”

Huling ginawang pelikula ni Jack ay ang 2011 romcom na How Do You Know co-starring Reese Witherspoon, Paul Rudd, and Owen Wilson.

vuukle comment

JACK NICHOLSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with