^

Pang Movies

Boy, gustong ikasalsa long-time partner

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Boy, gustong ikasalsa long-time partner

Pabor na pabor si King of Talk Boy Abunda sa same sex marriage na as we all know ay matagal nang pinagtatalunan kung dapat ba o hinding payagan dito sa Pilipinas. “Sana, dumating ang panahon na magkaroon ng same sex marriage. Takot na takot dito ‘yung ating mga legislators,” sey niya nang matanong siya tungkol dito sa mediacon ng kanyang bagong show sa GMA 7, ang Fast Talk with Boy Abunda.

“Ako, I want to be practical. Ayaw n’yong tawagin naming marriage, union, ibigay n’yo sa amin ang karapatan,” dagdag niya.

Sa Japan nga raw ay mayroon nang tinatawag na relationship contract. Kaya sana raw ay mabigyan na ng ganitong karapatan ang LGBTQ community. “’Yan ay isang karapatan na ipinagdadasal ko na sana’y dumating sa buhay namin, na hindi na ipagkait sa LGBTQ community,” aniya

Kung siya ang tatanungin, someday ay gusto rin niyang makita ang sarili na ikasal sa kanyang long-time partner na si Bong Quintana. “I would go for it only because I want to be able to protect myself and Bong,” pag-amin ng TV host.

“Can you imagine ang state natin ngayon, halimbawa ‘pag… I mean, knock on wood, may pumanaw sa amin, ang isa sa amin, walang karapatang pulutin ang katawan dahil wala kaming legal rights,” dagdag niya.

Pero hindi naman daw masasabing fan sila ni Bong ng same sex marriage.

“Sa tanda naman namin na ‘to, I’m not gonna go for the ceremony, wala na muna. Pero I will go for the marriage, even without a big party,” aniya.

Samantala, magsisimula na ang Fast Talk With Boy Abunda sa Jan. 23, 2023. Ito ang pagbabalik ni Kuya Boy sa telebisyon after more than two years. It’s a 30-minute show na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m.

Nilinaw ni Kuya Boy na walang magiging kumplikasyon sa paggamit niya ng “fast talk” na phrase kahit sa ABS-CBN ito nagsimula dahil ipina-copyright na raw niya ito. “I own the copyright of ‘fast talk,’ I invented that, I created that at nagpasin­tabi rin tayo para hindi nasu-surpise ang mga kinauukulan,” deklara niya.

Ini-reveal din ni Kuya Boy na si Marian Rivera ang kanyang first guest.

Danica, nanganak sa baby no. 3!

Isinilang na ni Danica Sotto ang pangatlong anak nila ni Marc Pingris na si baby Jean-Luc.

Sa kanilang Instagram page ay ibinahagi ng mag-asawa ang mga larawan at videos na kuha sa ospital.

Ipinasilip din nila ang mukha ng kanilang baby boy. “All glory, praise and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery. Our hearts our filled with so much joy!!! Still feels so surreal. Can’t believe he’s finally in my arms. Thank you to those who prayed and believed with us,” pahayag ni Danica.

Abut-abot naman ang pasasalamat ni Marc na nakaraos nang maayos sa panganganak ang kanyang misis at humingi ng gabay sa Panginoon para sa kanyang pamilya.

“LORD, thank you! Gabayan nyo po ako na mapalaki sila ng maayos at gabayan mo ko Lord sa lahat lahat ng bagay na gagawin ko para sa pamilya ko. Salamat at maayos na nanganak si Danica salamat po Ama! Welcome to the world Jean-Luc pingris! Love you! Thank you sa mga kaibigan at family namin ni danica sa lahat ng mga nag pray!,” caption ni Marc.

 

BONG QUINTANA

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with