Pinoy olympian na si Michael Martinez, pasok sa serye ni Xian
May special participation sa upcoming Kapuso series na Hearts On Ice ang two-time Pinoy Olympian na si Michael Martinez.
Ang Hearts On Ice ay ang ikalawang teleserye ni Xian Lim sa Kapuso network at leading lady niya si Ashley Ortega.
Sa Instagram ni Martinez, pinost nito ang videos na nasa ice skating rink sila ni Ashley at ang SPARKADA na si Roxie Smith.
Sa isang eksena ay na-lift ni Michael si Roxie na ikinatuwa naman nito: “Wow didn’t know this was the first, isang karangalan to be the one carried haha!”
Excited si Ashley sa mga gagawin nilang eksena ni Michael sa teleserye. Kinuwento noon ni Ashley na mga bata pa lang daw sila ni Michael ay sabay
silang nagte-training. Pareho rin daw silang sumasali sa figure skating competitions sa iba’t ibang bansa at nakakauwi sila ng mga medalya.
Pero pinagpalit ni Ashley ang figure skating para sa showbiz samantalang si Michael ay pinagpatuloy ang pag-compete hanggang sa maging representative ito ng Pilipinas sa Winter Olympics noong 2014 at 2018.
Bumalik lang ulit si Ashley sa figure skating pagkaraan ng apat na taon dahil sila ni Xian ang ginawang bida ng Hearts On Ice.
Drag Den Ph, nilantad na ang top 3 drag queens!
Pinangalanan na ang Top Three drag queens ng Drag Den Philippines season 1.
Sa ika-sixth episode na umere sa Amazon Prime Video, naging basehan ng host na si Manila Luzon at ng dalawang judges ay ang advocacies at ang naging placard ng kanilang theme wear.
Nagbigay pa ng bonus points sa ginawang lipsync battle sa walong drag queens to Sinner by Kio Priest featuring Paulo Castro.
Sina Naia, Shewarma, and Maria Cristina ang pumasok sa Top 3 at sa next episode pa pagdedesisyunan ni Manila Luzon kung sino ang tatanghaling First Filipino Drag Supreme.
Ang queens na hindi pinalad na maabot ang top 3 ay sina Barbie-Q, Lady Gagita, Aries Night, O-A at Pura Luka Vega.
Nagsimulang mag-stream noong Dec. 8, 2022 on Prime Video ang Drag Den Philippines kunsaan kasama ni Manila Luzon sina Nicole Cordoves at Sassa
Gurl. Ang mga naging guest judges ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, K Brosas, Eula Valdes, KZ Tandingan at Antoinette Jadaone.
Miley Cyrus, may kanta sa self-love at courage
Nagbabalik sa music scene si Miley Cyrus at ang unang ni-release niyang single ay may titulong Flowers.
Agad nga raw nakakuha ng 2 million views in just seven hours sa YouTube ang music video ng Flowers.
Galing ang Flowers sa ikawalong studio album ni Miley titled Endless Summer Vacation. Magkakaroon ito ng worldwide release on March 10, 2023.
Ayon kay Miley, ang songs sa new album niya ay tungkol sa self-love and courage. Nakipag-collab pa si Miley sa mga director na sina Jacob Bixenman and Stephen Galloway para sa kanyang music video.
Huling studio album na ni-release ni Miley ay ang Plastic Hearts noong 2020. Kaya excited ito sa bagong album dahil tatlong taon niyang binuo ito during the pandemic.
Isang multi-platinum artists si Miley na nakatanggap ng parangal mula sa World Music Awards, Billboard Music Awards, MTV Video Music Awards, Teen Choice Awards, People’s Choice Award, and GLAAD Media Award.
- Latest