^

Pang Movies

Rita at Direk FM, nakahanap ng ‘kapalit’ sa nawalang anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Rita at Direk FM, nakahanap ng ‘kapalit’ sa nawalang anak
Kate, Rita at Direk FM

Kung nabuhay ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Direk FM ‘Erick’ Reyes at Rita Avila ay 16 years old na ito ngayon na taun-taon ipinagdiriwang ng celebrity couple.

Three weeks lamang nakapiling nina Direk FM at Rita ang kanilang anak na pinangalanan nilang Elia Jesu na agad namang binawi sa kanila ng Diyos dahil sa heart complications.

Ang pinagdaanan ng mag-asawa ay nag-iwan sa kanilang mga puso ng pain and scar na hinding-hindi umano nila makakalimutan although unti-unti na umano itong nag-heal.

Ang pagkawala ng kanyang anak ay siyang nag-encourage kay Rita na magsulat ng libro (actually a booklet) sa pamamagitan ng 8 Ways to Comfort with Grace na sinundan ng iba pang libro (mostly children’s book) at kasama na rito ang The Invisible Wing.

Nang mawala sa mag-asawa si Baby Jesu, ibinaling naman ng couple ang kanilang attention sa anak ng dati nilang maid na mahal na mahal nilang mag-asawa pero after three years ay kinuha ang mag-ina ng ama ng bata kaya parang dalawang beses silang nawalan ng anak.

Since mahilig sa hayop ang mag-asawa, may alaga silang puppy na sobra rin nilang minahal at trinatong parang ‘anak’ pero after three years ay nagkasakit sa puso ang puppy at ito’y namatay. Muli na namang nalungkot ang couple until one day, ipinakilala sa kanila ang isang 19-year-old girl na si Kate Cruz ng singer-songwriter na si Jamie Rivera at sinabing mabait umano ito. Naging close umano sa kanila si Kate when she was 20 pero nung 24 years old na ito tumira sa kanila up to now that she’s 29. Ito na umano ang pumuno sa kanilang longing sa kanilang kaisa-isang anak na agad nawala sa kanila.

Sa halip na ito’y mamasukan sa iba, si Kate na ang ginawang road manager ni Rita kaya araw-araw na itong kasama ng actress at book author sa kanyang mga lakad at trabaho.

Kapag pareho namang libre ang schedule nina Rita at Direk FM ay nagba-bonding silang tatlo via food tripping.

RITA AVILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with