^

Pang Movies

Sam at Rhian, break na agad?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sam at Rhian, break na agad?!
Sam Verzosa at Rhian Ramos

Split na nga ba sina Rep. Sam Verzosa and Rhian Ramos?

Ito ay matapos silang mag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram.

Nauna na ritong napansin na hindi sila magkasamang nag-Pasko.

Si Rhian ay endorsement ang mga pino-post lately habang si Sam ay kasama ang mga anak at ang mga kumpanya niya sa mga post sa IG.

Ex-wife ni Sam si Ann Murphy na diumano’y girlfriend ng director / actor na si David Chua.

Recently lang naging public ang relasyon nina Sam and Rhian na kasama naman sa bahay ang beauty queen / actress na si Michelle Dee.

Nikki, ayaw na ulit mag-IVF

Hindi na ulit sila susubok ng IVF (in vitro fertilization) si Nikki Valdez.

Maghihintay na lang daw sila ng mister niyang si Luis Garcia kung magkakaroon sila ng baby sa natural na paraan.

Dumaas ng depression ang actress matapos ang dalawang beses na IVF journey.

May daughter na si Nikki sa previous marriage, si Olivia, na  anak na rin ng kanyang mister ang turing.

Nakausap namin si Nikki sa special preview ng pelikulang Family Matters at ito nga ang sinabi niya nang tanungin namin tungkol sa pagkakaroon nila ng baby.

Nauna na rin siyang nagkaroon ng miscarriage bago pa sumubok ng IVF.

Totally healed na si Nikki pero pinagpi-pray pa rin niya ‘yung path na gusto ni Lord para sa kanya.

Samantala, ginagampanan niya sa pelikulang Family Matters ang character ni Ellen na mas pini­ling alagaan ang kanyang parents kesa mag-asawa.

“Actually ang layo nung character ni Ellen sa akin. Ang only similarity niya is ngayon mag-isa na lang kasi ‘yung Mommy ko, so nasa akin na ‘yung Mommy ko, ganun. Ako ‘yung bumibili ng gamot niya. Ako lahat ang nag-aasikaso and ‘yung masasabi ko lang siguro’yung umalis ako (kasi ‘di ba sa first marriage ko) umalis ako, nagpakasal ako and I just stayed in Canada for two years and it was really hard for me to leave my parents and my family kasi parang 28 years of your life tapos all of a sudden mag-isa ka, kailangan mong pumili dahil nga may sarili ka ng buhay ganon.

“‘Yun lang, ‘yun lang tingin ko pinaka-nakakarelate ako pero sa dynamics nung family namin ganon kami sa totoong buhay. Sa magulang pagkaano... ayaw mo ipaalam sa nanay mo. Ngayon may sari­ling chat group na ‘di ba mas madali nang mag-communicate ‘yung mga magkakapatid. Ayun I think we can all relate to,” mahabang paliwanag ni Nikki tungkol sa kanyang character sa pinag-uusapang pelikula.

Nakatutok sa kuwento ng isang pamilya na nararamdaman ng kanilang mga magulang na sila ay pabigat na sa kanilang apat na anak na may kanya-kanyang pamilya na.

Na habang pinapanood ay mararamdaman mo na oo nga, ba’t ganun parang minsan talagang parang ang anak na ang kailangang sundin ng kanilang mga magulang.

Klarong-klaro ang message ng Family Matters kaya sulit panoorin at for a change na walang kiligan kundi paalala sa importansya ng pamilya.

Pero nakakalungkot, wala halos itong napanalunang award maliban sa Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.

But anyway, agree ako sa apela ni Cineko producer and Pandi Mayor Enrico Roque na ibalik ang Cinema Evaluation Board (CEB).

Malaking bagay sa maliliit na producer tulad ng Cineko ang nakukuha tax incentives pagkatapos ng 10-day showing ng kanilang mga pelikula sa MMFF.

Samantala, ang psychological thriller na Deleter ang nag-uwi ng pinaka-maraming panalo sa MMFF Gabi Ng Parangal - Best Cinemato­graphy, Best Director (Mikhail Red), Best Lead Actress (Nadine Lustre), and Best Picture.

Habang ang pelikulang Nanahimik ang Gabi bagged the Best Production Design, Best Musical Score, Best Actor in Supporting Role (Mon Confiado), Best Actor (Ian Veneracion) and 3rd Best Picture.

Here’s the full list of winners:

Best Float: My Father, Myself

Best Child Performer: Shawn Niño Gabriel, My Father, Myself

Best Sound: Deleter

Best Musical Score: Greg Rodriguez III, Nanahimik Ang Gabi

Best Original Theme Song: Ang Aking Mahal, Mamasapano: Now It Can Be Told

Best Visual Effects: Deleter

Best Production Design: Nananahimik Ang Gabi

Best Editing: Nikolas Red, Deleter

Best Cinematography: Deleter

Gender Sensitivity: My Teacher

Stars of the Night: Ian Veneracion, Nadine Lustre

Marichu Vera-Perez Memorial Award: Vilma Santos-Recto

Fernando Poe Jr. Memorial Award: Mamasapano: Now It Can Be Told

Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award: Family Matters

Best Screenplay: Mamasapano: Now It Can Be Told

Best Supporting Actress: Dimples Romana, My Father, Myself

Best Supporting Actor: Mon Confiado, Nanahimik Ang Gabi

Best Director: Mikhail Red, Deleter

Best Actor: Ian Veneracion, Nanahimik Ang Gabi

Best Actress: Nadine Lustre, Deleter

3rd Best Picture: Nanahimik Ang Gabi

2nd Best Picture: Mamasapano: Now It Can Be Told

Best Picture: Deleter

Special Jury Prize: Mamasapano: Now It Can Be Told

Wala namang nakuhang kahit anong award ang Partners in Crime at Labyu with an Accent.

SAM VERZOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with