^

Pang Movies

Monarch nila Inigo sadsad ang rating, wala nang season 2  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Monarch nila Inigo sadsad ang rating, wala nang season 2               
Inigo

Nalungkot ang mga tagahanga ni Inigo Pascual dahil sa balitang kanselado na ang kinabibilangan nitong American series na Monarch.

Ayon sa Fox network, hindi na magkakaroon ng season 2 ang Monarch dahil cancelled na ang buong series. Nagtapos noong nakaraang Dec. 6 ang season one ng show.

Ang naging dahilan sa pag-cancel ng naturang series ay ang mababang ratings na nakukuha nito. Sa pilot premiere pa lang ay nag-struggle na ito sa ratings dahil sumabay ito sa NFL Championship Games. Nakakuha lang daw ito ng average na 4.1 million viewers across all platforms. Ang ratings naman nito sa key ad demographic of adults 18-49 ay 0.3 na sobrang mababa para mabigyan ito ng second season.

Marami pa namang natuwa dahil sa paglabas ng anak ni Piolo Pascual sa naturang series at sumabay ito sa pag-arte sa co-stars niyang sina Anna Friel, country singer Trace Adkins, Joshua Sasse, Beth Ditto, Meagan Holder and Susan Sarandon na naging malapit sa aktor.

Magandang simula raw sana ang Monarch para kay Inigo na magkaroon na ng isang international career bilang aktor at singer. Proud pa naman ang kanyang Papa Piolo dahil nadaig pa raw siya nito.

Pero dahil sa pagkansela ng network sa series, mukhang mag-concentrate na lang muna sa career niya sa Pilipinas si Inigo or puwede niyang ipagpatuloy ang mag-audition sa ibang shows sa US dahil balitang may agent na ito sa Hollywood.

Cherry Lou at Phytos Ramirez, engaged na

Pagkatapos isilang ang kanilang baby noong September 2021, engaged na ang Kapuso hunk na si Phytos Rami­rez at ang dating aktres at singer na si Cherry Lou. Noong nakaraang September pa pala engaged ang dalawa, pero ngayon lang nila ito isinapubliko. Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong December 2020.

Pinost ni Phytos sa Instagram ang photo ng engagement ring na bigay niya kay Cherry Lou na may caption na: “This is another chapter of this beautiful love story that we are writing together. @ms.cherrylou”

Sa IG naman ni Cherry Lou, ito ang caption niya: “The best thing I have ever waited for @iamphytosramirez I enjoyed annoying you for the past years and can’t wait to continue for the rest of our lives.”

Thirteen years ang age gap sa pagitan nina Phytos at Cherry Lou.

Nag-turn one year old na ang baby girl nila na si Caly. May tatlong anak naman si Cherry Lou sa ex-husband niyang si Michael Agassi.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with