^

Pang Movies

Carmi, natalakan ang ‘di masyadong sikat na artista na laging nali-late sa taping

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Carmi, natalakan ang ‘di masyadong sikat na artista na laging nali-late sa taping
Carmi

Naalala pa ni Carmi Martin ang katrabaho niyang na-awardan niya dahil sa laging late sa taping nila.

Kahapon nga sa presscon ng My Teacher ay natanong siya tungkol dito.

“It happened a long time ago. May ginagawa akong soap sa ABS-CBN noon at ilang beses niya itong nangyari. Tapos nung dumating siya, hindi man lang siya nag-so-sorry or nagbibigay pugay man lang sa mga beteranong artista.

“Isang araw, na-award ko. Sabi ko, ‘ang tagal-tagal mo kanina ka pa namin inaantay.’ Then sinabi niya na kasi raw dapat yung road manager dapat daw nag-report or ganito raw dapat. Tapos magka-eksena kami parang hindi ko siya tinarayan. We’re just being professional sa set,” chika ni Ms. Carmina sa grand press conference ng 2022 Metro Manila Film Festival entry na pinagbibidahan nina Joey de Leon and Toni Gonzaga, directed by Paul Soriano, na ginanap sa Winford Hotel in Sta. Cruz, Manila kung saan kasama siya sa supporting cast.

Ang punto ni Carmi, dapat pahalagahan ng ibang artista ang professionalism at oras.

“Tama nga yung sinabi ni direk na dumating ka on time, alam mo ang dialogue mo, and role mo. Wala akong pakialam kung ano ang paglabas mo sa shooting. Pero mas maganda siyempre kung magaling kang makisama.”

Actually, hindi lang si Carmi ang nagpapaala na maging professional ang lahat at higit sa lahat, makisama.

Carla, si Anatasia steele na ang peg

Parang pinaiinit ni Carla Abellana ang medyo malamig na panahon ng Disyembre.

Pulos sexy ang pictorial niya na inia-upload sa kanyang Instagram account.

Series of sexy photos kaya nagtatanungan ang ilang followers niya kung mapapanood na raw ba siya sa Vivamax movie.

Sexy actress na nga raw ang peg ni Carla.

Fresh pa sa lahat ang kinahinatnan ng marriage nina Carla at Tom Rodriguez more than a year ago.

Naka-black lengerie siya habang nasa kama at medyo magulo ang buhok.

Kaya parang puwede rin daw siyang gumanap na Anastasia Steele kung magkakaroon ng local adaptation ang erotic American film na 50 Shades of Grey.

But anyway, sa social media lately ang maraming exposure ni Carla.

Joey De Leon, ‘di na takot sa virus

Hindi na takot sa virus ang comedy icon / artist na si Joey de Leon. Sundot lang ang katapat, basta isang guhit, nakakatulog na siya ng matiwasay sa gabi.

Nagbabalik sa Metro Manila Film Festival si Joey, sa pelikulang My Teacher, na pinagbibidahan nila ni Toni Gonzaga.

Pero aminado siyang natakot siya sa virus nung umpisa ng pandemic. “Natakot siyempre. Parang third world war na ‘yun, buong mundo ‘yun, hindi lang Pilipinas ‘yun,” sabi niya kahapon.

“Ngayon medyo nakakabangun-bangon na tayo, konting sundot ng ilong, isang guhit, ayos na,” kuwento niya na ang tinutukoy ay ang antigen test na madaling paraan para malaman kung may virus ka o wala.

“Sa bahay marami ka nang mask, pang-testing. Bago matulog magte-testing ka muna. Pag isang guhit lang, ang sarap ng tulog mo,” dagdag niya.

Nagpapasalamat naman siya na hindi siya nagkaroon ng COVID. Though sa kanilang bahay ay may ilang nagkaroon na lang.

“Sa bahay may mga nagka-covid. Pero wala, parang lagnat na lang,” sabi niya na pag naka-isolate raw ay nagsisigawan lang sila.

Samantala, dahil matagal-tagal na rin siyang di gumawa ng pelikula, aminado siyang na-miss niya ito.

Kaya nang mabasa niya ang kuwento ng My Teacher, nag-yes siya na malaking factor na hindi kasali si Vic Sotto sa MMFF.

CARMI MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with