^

Pang Movies

BB Gandanghari, sa puntod ng kapatid ang unang dinalaw

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
BB Gandanghari, sa puntod ng kapatid ang unang dinalaw
BB Gandanghari

Isa sa mga unang ginawa ni BB Gandanghari sa pagbabalik niya ng bansa ay ang dalawin ang puntod ng kapatid niyang si Royette Padilla na pumanaw last year.

Kasama ni BB Gandanghari ang mom niyang si Mommy Eva sa pagdalaw sa puntod ng kapatid.

Makikita sa larawan ang pag-iyak niya sa puntod ng kapatid dahil hindi nga siya nakauwi nang pumanaw si Royette. Pati raw ang puntod ng tito at pamangkin ay binisita rin nito.

Seven years itong hindi nakauwi ng bansa, ang haba ng kumustahan niya with her relatives. Ang dami niyang ikukuwento at maraming pakikinggang kuwento ng mga kamag-anak.

Hindi pa nai-interview ng press at sa TV man si BB Gandanghari at inaabangan ang TV gues­ting niya para lang marinig siya at makita na rin.

Kumpanya ni James, nilait-lait

Sa interview kay Nadine Lustre sa RX93.1, ibinalita niya na wala na siya sa company ni James Reid. Hindi lang malinaw kung sa record label ni James na Careless Music Manila o sa talent agency ni James, kumalas si Nadine, basta wala na siya sa company ni James.

Ikinatuwa ito ng fans ni Nadine dahil hindi naman daw niya kailangan si James at ang talent company nito. Kung magpapa-manage rin lang siya, sa big talent company niya na may experience na how to manage and market talents.

May nagkumpara pa nga na between Viva Artists Agency kung saan, nakakontrata ito at sa company ni James, mas malawak naman ang experience ng VAA.

Wala pa rin naman daw nabibigay na big project ang company ni James kay Nadine, except to release a single under Careless Music na hindi naman daw nag-hit.

May nag-comment pa na good decision ang ginawa nito dahil hindi raw healthy to be still working with an ex.

May nagpatawa naman na walang utang na loob si Nadine dahil kay James niya nakuha ang kanyang unwan­ted twang.

Anyway, mukhang winner ang Dele­ter, ang entry ng Viva Films sa MMFF dahil the only horror movie entry ito. Trailer pa lang, usap-usapan na online at ang gagawin na lang nina Nadine at ng buong cast at ni Director Mikhail Red ay i-encourage ang online fans to go out on Dec. 25 and watch the movie in cinemas.

Dingdong, papalit muna sa wall...

Ang Amazing Earth na hino-host ni Dingdong Dantes ang pansamantalang ipinalit ng GMA 7 sa timeslot ng The Wall na nagtapos na last Sunday. Special time slot lang ang tawag sa timeslot ng show ni Dingdong, hindi alam kung magtatagal o panatilihin na lang sa 2 p.m. slot.

Kahit saan namang timeslot ilagay ang Amazing Earth, panonoorin pa rin dahil sa interesting features. Lalo na ngayon na hindi na lang puro animals ang itinatampok, may local flavor na ang show dahil sa mga interview nito.

For this Sunday, tampok ang Higantes Festival sa Angono, Rizal. May bonding din siya kay Chef Lau Laudico na haharap sa Lutong Bato challenge sa Wawa Dam, Rodriguez, Rizal. Tampok din ang nature documentary na Wild Hunters: Fish.

BB GANDANGHARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with