MIM, nasa streaming platform din
Malapit na palang magsimulang mag-shooting si Director Darryl Yap ng prequel ng first movie niyang ginawa for Viva Films, ang Maid in Malacañang.
Titled Martyr or Murderer o MoM at gagampanan pa rin ni Cesar Montano ang role ni former president Ferdinand E. Marcos.
Si former Manila Mayor Isko Moreno ang final choice to play the role of former senator Benigno Aquino.
Napili na rin si Direk Darryl na gaganap as young Ferdinand E. Marcos, ang actor na si Marco Gumabao at gaganap na young Benigno Aquino, si Jerome Ponce.
Naging controversial si Jerome na gumanap sa Katips, ang movie na dinirek ni Vince Tañada, na ipinalabas kasabay ng MiM na nakita siyang nanood ng kalaban nilang movie. May mga lumabas nang photos nina Marco at Jerome ng roles na gagampanan nila at kitang may hawig nga sila sa ipu-portray nilang characters.
Wala pa lamang nakukuha si Direk Darryl na gaganap sa role ng mga batang Imelda Marcos at Cory Aquino. This December na magsisimula ang shooting dahil naka-schedule raw itong ipalabas on time sa celebration ng People Power Anniversary on Feb. 25, 2023.
Ang Maid in Malacañang ay naka-schedule nang mapanood sa Netflix sa February 2023.
Julie Anne, walang pahinga
Gustuhin man siguro ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose na magpahinga after ng very successful concert nilang JulieVerse ng boyfriend na si Rayver Cruz, with their special guests, Mavy Legaspi and Kyline Alcantara, sa Newport Performing Arts Theatre, Pasay City last night, ay hindi niya magagawa dahil kailangan na rin niyang bumalik muli sa lock-in taping nila ng historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra sa Ilocos Norte.
Nasamantala rin iyon ng co-star niyang si Barbie Forteza, para makauwi muna sa bahay nila at makapagpahinga at makasama ang boyfriend na si Jak Roberto. Matitindi na rin kasi ang mga eksena nilang ginagawa, kasama sina Dennis Trillo, David Licauco, Rocco Nacino, Juancho Trivino at Tirso Cruz III.
Patuloy na sinusubaybayan ng netizens, even ang mga Gen Z, ang Maria Clara at Ibarra dahil naiiba raw ito, lalo na sa ibang students na hindi na napag-aralan ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong high school sila.
Napapanood gabi-gabi ang Maria Clara at Ibarra at 8 p.m., pagkatapos ng 24 Oras.
Small, kinaaliwan
Kinaaliwan ng netizens, ang pagpasok ng socialite at vlogger na si Small Laude, nang mag-guest siya as the best friend of Violet (Beauty Gonzalez), na kinuha siya para makatulong sa promotion ng business nito, sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Natuwa naman ang fans kay Small dahil napaka-natural daw ng acting nito. In turn, napakagandang experience raw naman kay Small ang pagsu-shoot niya, kasama sina Beauty at si Aiko Melendez kahit wala siyang experience sa acting.
- Latest