^

Pang Movies

Allan K, nagulat nang dumugin ang kanyang bagong bukas na CR!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ginastusan muli ng komedyanteng si Allan K ang dati niyang comedy bar na Klownz upang magkaroon ng bagong look na sakto sa bago nitong name na Clowns Republik!

Nagkaroon ito ng soft opening last Thursday sa dating venue nitong Sunshine Blvd. along Quezon Avenue, near Timog Avenue.

Eh sa kanyang Instagram lang nag-post ang komed­yante ng soft opening. Pero laking gulat niya dahil ‘yung inakala niyang isa o dalawang table lang ay naging anim, huh!

“Nakakatuwa. Hindi ko ini-expect ang pagpunta ng mga tao. Pero this Tuesday ang talagang grand opening,” sabi sa amin ni Allan.

Natigil man ang operasyon ng comedy bars ni Allan, mananatili pa rin niyang baby ang una niyang comedy bar na ngayon ay Clowns Republik na!

Sa naka-miss ng humalakhak, sugod na sa CR o Clowns Republik ni Allan K!

Herlene, masaklap ang karanasan sa pageant

Masaklap pala ang karanasan ni Herlene Budol o Hipon Girl sa Uganda bilang bet sa Miss Planet International.

How true na sa latest reports, hindi umano pinakain at walang matuluyang maayos ang mga kandidata.

Sa totoo lang, ang problema sa luggage ang unang dinanas ni Herlene nang dumating sa Uganda? Naayos kaya ‘yun?

This time, sa naranasan ni Herlene, balitang gusto na niyang umuwi ng Pinas, huh!

Naku, pag-aartista na lang ang bigyang priority ni Hipon Girl lalo na’t may bagong TV series na siya sa GMA, huh!

vuukle comment

ALLAN K

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with