Openair Cinema One, buhay na ulit
Makalipas ang tatlong taon, nagbabalik ang OpenAir Cinema One upang maghatid ng saya ngayong Kapaskuhan tampok ang mga pelikulang Four Sisters Before the Wedding at Red Shoes and the Seven Dwarfs na libreng mapapanood ngayong Disyembre 3 (Sabado) sa Water Garden, Festival Mall, Alabang.
Nagsama ang Cinema One at Festival Mall sa kauna-unahang pagkakataon para maghatid ng outdoor screening event na OpenAir Cinema One: A Merry Movie Night na puno ng musika at pelikula na swak pang-weekend bonding.
Tumawa at maantig sa Four Sisters Before the Wedding nina Alexa Ilacad, Belle Mariano, Charlie Dizon, at Gillian Vicencio na iikot sa childhood memories ng magkakapatid na Salazar. Ito ang prequel ng sikat na 2013 film na Four Sisters and a Wedding.
Kakaibang kwento na base kay Snow White naman ang ihahandog ng Red Shoes and the Seven Dwarfs na pinagbidahan nina Chloe Grace Moretz, Sam Claflin, Gina Gershon, at Patrick Warburton.
Makikisaya rin ang TV personality na si KaladKaren na pangungunahan ang event habang haharanahin naman ng Tarsier Records artists na sina Jon Guelas, Maki, at Zion Aguirre ang mga manonood.
Huling naganap ang OpenAir Cinema One noong 2019 at pansamantalang natigil dahil sa pandemya. Isa ito sa regalong handog ng premier cable channel para maghatid ng kakaibang movie experience na may layuning magbigay kasiyahan sa mga Pilipino.
Michael V., inugatan na sa BG
Wow, tatlong taon na lang, 30 years na ang Bubble Gang.
This year ay magsi-celebrate ng 27th anniversary ang multi-awarded and longest-running gag show in the Philippines, with a two-part anniversary special entitled #BGVenti7 na mapapanood ngayong Nov. 18 and 25.
All set to spread good vibes and unlimited gags ay ang powerhouse cast na pinangungunahan ni Kapuso comedian and Bubble Gang pioneer Michael V. a.k.a. Bitoy together with Kababol mainstays Paolo Contis, Sef Cadayona, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Archie Alemania , Tuesday Vargas, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Dasuri Choi, Kim de Leon, and Kokoy de Santos.
At para kumpletuhin ang anniversary episodes are guests Buboy Villar and Faith da Silva, and some of the most-followed social media personalities in the country as special guests.
Aminado si Michael V. sa paglipad ng panahon, nakakaramdam pa rin siya ng pressure pressure for the whole team to deliver fresh ideas and hilarious sketches, “Hindi naman talaga nawawala ang pressure every creative meeting. At the end of the day, it’s still a job that everyone has to do. I think the only surefire formula is to go with the trend para relevant ka palagi.”
Ibinahagi rin ni Bitoy ang kanyang mga insight kung paano nakakahabol ang programa sa pagpapatawa sa bawat henerasyon at sa pagsulpot ng digital age kumbaga.
“Nakakatawang isipin na Bubble Gang has come full circle na. Most of the things that people laugh at nowadays are almost always a rehash of what we’ve done years ago which only means: 1) People nowadays prefer the old humor and 2) Tumatanda na talaga ako; which I don’t consider a bad thing!”
At sa mga iconic segment sa Bubble Gang, inamin ni Michael V. ang kanyang paborito, “I take pride in my parodies. Since we started Bubble Gang, para sakin ‘yun talaga ang may tatak Michael V.”
Para sa mga anniversary episode nila, iti-treat ng multitalented comedian sa avid fans at supporters ng show ng parody ng trending song na Gusto Ko Nang Bumitaw.
Isa pang kapana-panabik na spoof na tiyak na kikiliti ssa Kapuso viewers ay ang Pranning Man base sa hit at top-rating reality game show na Running Man Philippines. Dapat ding tumutok ang fans sa mga espesyal na edisyon ng kanilang mga paboritong sketch tulad ng Marites United, Patibong and Istambay.
Furthermore, Bitoy narrates how they try not to repeat punchlines after more than a thousand episodes, “It really can’t be helped e. Nagpapalit din kasi ng writers the same way na nagpapalit ng cast over the years. And not everyone of us remember everything kaya nagtutulungan na lang kami to do something about it.”
Samantala, inamin ni Paolo Contis kung paano naging makabuluhan ang programa sa kanyang buhay, “Maraming tao na ayaw ang Monday kasi start ng working week. Pero ako, I always look forward sa Monday kasi Bubble Gang taping ‘yun. Lalo na sa days na hindi ako okay, kasi alam kong magiging masaya ako that day.”
In addition to that, the phenomenal duo of Mommy Vicky (Valeen Montenegro) and Mommy Karen (Chariz Solomon) mula sa Balitang Ina recount their routine to set the mood alive and happy during their shoot.
“Maraming times na umaga pa lang, kakarating pa lang ng set, marami nang aberyang nangyari like traffic, hindi nakatulog, hindi nagising sa alarm, may personal problems etc. Pero ‘pag nakita namin ang isa’t isa hindi talaga kayang hindi mapa-smile kasi ang kukulit namin talaga. Nami-miss namin ang isa’t isa kasi once a week lang kami magkita,” Valeen said.
- Latest