^

Pang Movies

MMK ni Charo, ipalalabas sa 41 bansa sa Africa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Philippine Center for Investigative Journalism
MMK ni Charo, ipalalabas sa 41 bansa sa Africa
Charo

Umarangkada na ang pag-dubbing ni Charo Santos sa wikang Ingles ng ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya (MMK) para sa pagpapalabas nito sa 41 na bansa sa Africa simula Enero 2023.

“Nakakatuwa kasi ‘yung mga istorya ng MMK ay talagang magre-resonate sa African viewers dahil may mga similarities ang ating experiences at va­lues,” pahayag ni Charo. 

Higit 20 na istorya ng tunay na buhay ng ordinaryong Pilipino at celebrities ang napili ng Star Times sa Africa para i-dub sa Ingles.

Nais din ni Charo na makapag-dub sa iba’t-bang wika kagaya ng French, German, Vietnamese, at Korean para mas makilala ang mga palabas ng Pilipinas sa buong mundo.

“Gusto ko rin sanang mag-dub in Korean, why not diba. Para ‘yung Filipino content naman ang ie-export natin sa South Korea, hindi lang K-dramas ang dumarating dito,” dagdag ni Charo.

Malaki ang tiwala ng MMK host at dating president ng ABS-CBN na kayang-kaya ng Pinoy content na makipagsabayan sa international stage.

Napapanood din ang MMK sa himpapawid bilang in-flight entertainment program ng international airlines tulad ng Etihad Airways, Royal Brunei Airlines at Saudi Arabian Airlines.

Coco at Julia, iniisyuhan pa rin ang ‘sweetness’

Bakit kaya big deal ang sweetness nina Coco Martin and Julia Montes?

Hahaha.

Sabi sila nang sabi na meron na diumanong baby ang mag-jowa pero parang isang malaking misteryo pa ang kanilang pinakikitang kumbaga ay lambingan sa mga pinupuntahan nila.

Like sa birthday party ni Deo Endrinal kamakailan.

Sumayaw lang sila ng ‘sweet’ parang isang malaking usapan na.

Nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon kaya ganun siguro.

 Aktor, nangenge sa libreng alak sa eroplano!

Nagwala pala sa airport ang isang aktor.

Ang chika, dahil sa long haul o mahabang biyahe, nag-order ito nang nag-order ng free (hard) drinks sa eroplano.

Kaya ang ending, nangenge.

Pagbaba raw ng airplane, ayan na. Lasing na lasing na si kuya.

Buti na lang daw at hindi siya ikinulong ng mga airport personnel sa nasabing bansa.

Recently lang daw ito naganap.

Or baka lang nainip-inip kasi ang actor sa haba ng biyahe kaya uminom na lang.

Well, hindi lang naman siya ang nalalasing sa mga long haul flight.

Marami ring ibang pasahero kaya forgiveable naman.

‘Yun nga lang, aktor siya kaya may ilang nakakilala sa kanya sa airport kahit pa malayo ang nasabing bansa.

Limang bigating pelikula, mainit ang labanan sa 5th EDDYS

Limang dekalidad at pinag-usapang pelikula noong nakaraang taon ang maglalaban-laban para sa 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Tiyak na magiging mahigpit na naman ang labanan para sa major awards ng ikalimang edisyon ng The EDDYS na magaganap sa darating na Nov. 27 sa Metropolitan Theater o MET.

Bakbakan kung bakbakan para sa Best Film ang Arisaka (Ten17 Productions), Big Night, (IdeaFirst Company) Dito at Doon, (TBA Studios); Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).

 Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).

Maglalaban-laban naman sa pagka-Best Actress sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rosi (My Amanda).

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa 5th The EDDYS mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda).

Para naman sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

Samantala, magpapatalbugan naman sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8) ang matutunggali sa Best Supporting Actor category.

CHARO SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with