Yassi, nasa GMA na ulit!
Obviously, si Yassi Pressman ang tinutukoy sa teaser na inilabas ng GMA 7 na “Yas, she’s back!”
Si Yassi ang gaganap na Estela sa classic Viva film na Saan Nagtatago ang Pag-ibig na pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Ricky Davao at Tonton Gutierrez.
Si Tonton ang mas napansin sa pelikulang ito na kung saan may mga best actor trophy siyang nakuha mula sa pelikulang ito.
Maganda at ito ang pelikulang iri-remake na drama series na collaboration ng Viva Entertainment at GMA 7.
Si Ken Chan ang gaganap na si Val na alam naming kayang-kaya na niya itong gampanan, at si Marco Gumabao naman si Rich na dating ginampanan ni direk Ricky Davao.
Matindi rin ang ibang karakter sa magandang material na ito
Ang dinig namin ang magaling na singer na si Dulce ang gaganap bilang si Mama Pacing na dating ginampanan ni Alicia Vergel, at si Mickey Ferriols naman si Carmen na dati’y kay Gloria Romero.
May special participation dito si Tonton Gutierrez, na iba na ang role na gagampanan.
Ipapaliwanag ito sa kanilang story conference na gaganapin ngayong araw.
Mamasapano, kinumpara sa pagkain
Ngayon pa lang ay todo na ang promo ng Borracho Films sa pelikula nilang Mamasapano: Now It Can Be Told.
Mukhang ito ang maglilikha ng ingay at kontrobersya dahil sa ilang mga personalidad sa pulitika na involved dito.
Pero para kay Atty. Ferdie Topacio na producer ng naturang pelikula, fiesta ang Metro Manila Film Festival, kaya dapat masarap at maganda ang ihahain sa mga tao.
“Sabi ko kasi, festival, fiesta. ‘Di ba kapag fiesta, hindi n’yo naman pinapakain ‘yung mga bisita n’yo ng ordinaryong pagkain?
“Hindi naman tapsilog, hindi naman tortang talong, ‘di ba? Hindi naman
daing. Espesyal, lechon, lechong baka, ‘di ba? Relyenong manok.
“Sana ‘yung mga festivals natin, ganun din. Although sabi ko, not to
denigrate anyone, lahat ng genre naman ay necessary in a film industry.
“Comedy, drama, horror, lahat. Pero sana ‘pag festival, a cut above. So sabi
ko, dapat i-elevate the level of entries.
“At timely nga naman, may mga senador na nagsasabi — although in a
wrong way — bakit daw hindi competitive ang Filipino films? Napag-iwanan na tayo,” bahagi ng pahayag ni Atty. Topacio.
Tumaas tuloy ang expectations ko sa pelikula niya, dahil confident siyang maganda at panlaban talaga sa film festival ang Mamasapano: Now It Can Be Told.
- Latest