^

Pang Movies

Mga celebrity na malaking rumaket sa social media, naka-alert na sa BIR?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mga celebrity na malaking rumaket sa social media, naka-alert na sa BIR?!
Kathryn

Hala, binabantayan na raw ngayon ng BIR (Bureau of Internal Revenue) ang mga artista na grabeng rumaket sa social media posting nila.

Tatlong sikat na celebrity ang narinig kong any moment ay kakausapin na ng BIR para singilin ng hindi nila pagbabayad ng buwis kahit ang laki nang kinikita nila sa pagpo-post sa social media accounts nila particular sa photo-sharing app na Instagram.

Malaki na raw kasi talaga ang kinikita ngayon ng mga celebrity sa social media  nila na walang tax.

Meron nga diumanong isang celebrity influencer na kumikita ng P1 million per post.

Nauna na ngang naglabas ang financial services website na NetCredit ng listahan ng Top 10 Filipino celebrity na kumikita ng malaki sa pamamagitan ng mga sponsorship at post sa photo-sharing app.

Ang kita sa pamamagitan ng Instagram ay maaaring gawin sa maraming paraan. Maaaring pagkakitaan ng mga influencer at celebrity ang kanilang mga personal na post, mag-publish ng naka-sponsor na content, o magpakita lang ng produkto o brand sa pamamagitan ng Instagram Stories para sa cash.

Kinokolekta ng site ang data mula diumano sa sarili nitong algorithm sa pamamagitan ng pangangalap ng pinaka-maraming followers sa Instagram mula sa bawat bansa, ilan sa kanilang mga post ang na-sponsor, at kung magkano ang magagastos ng bawat naka-sponsor na post depende sa kanilang net worth.

At ang lumabas sa listahan nila, ang top 5 ay sina :

1. Pia Wurtzbach: $3,669,205

2. Kathryn Bernardo: $3,533,360

3. Anne Curtis: $2,936,119

4. Kim Chiu: $1,712,289

5. Andrea Brillantes: $1,281,692

Phillip Salvador, gaganap nga bang Ninoy Aquino?

This month na pala magso-shoot ng part 2 ng Maid in Malacañang.

Sandali naming nakausap si Cesar Montano sa birthday celebration ni tita Annabelle Rama last week.

Magshu-shoot na kayo, tanong namin?

“Malapit na, November 20. ‘Yun na ‘yung 2nd part.”

Ano na ang final title?

“’Di ba MiM kami dati, MoM naman daw ngayon. (Martyr or Murderer). Alam mo honestly wala pa sa ‘kin ‘yung script. Basta ‘yun about Martyr or Murderer pero kung sino yung mga taong… pag-uusapan, I have no idea whatsover.

“Ang naririnig ko unang-una dalawa, Kuya Ipe (Phillip Salvador), tapos may Jerome (Ponce) ba ngayon? I have no idea talaga. Hindi ko pa nababasa yung script. Wala pa kaming script. But definitely about Ninoy (Aquino), about me as President Marcos Sr. pero dito na yata siya mamamatay, eh.”

Hanggang natanong na namin siya kung magkano ba talaga ang kinita ng Maid in Malacanang?

“More or less nasa P1B pero hindi pa kami nag-o-online. Wala pang streaming. Theater pa lang ‘yon all over the world ah. Pero more than anything, dapat makita ng Pilipino ‘to as a hope, a door opening for other films, other production na after pandemic, after the lockdown kailan ulit manonood ang tao ng pelikulang Pilipino. Kasi ok na tayo sa online, manood tayo sa kwarto natin, relaxed tayo, komportable tayo, kailan ulit manonood (sa sinehan)? Pero nangyari ‘to, ‘di ba, it’s a beautiful precedent ‘yung ‘aba pwede pa rin.’ Magkaroon ka lang ng pelikulang magiging interesado ang Pilipino, pwede pa ring… beating all Hollywood movies.”

Anong take mo sa K-dramas?

“Ako, I have nothing against that. That’s good, kultura nila ‘yon. But ako, kung ako masusunod, gusto ko munang mapanood ng mga Pilipino, the young generation yung kultura natin sa Pilipino. Para gawin nating proud ang mga kabataan na mga anak natin, ipakilala natin yung kultura natin, ‘yung roots nila, ‘yung pinanggalingan natin. Kasi hindi mo puwedeng sabihin ‘hoy maging proud ka sa Pilipino, maging nationalistic ka.’ Hindi ko nga alam yung pinanggalingan natin. Mabuti pa ‘tong mga Koreano, hanggang dito sa atin nakikilala natin ang kanilang roots, ‘di ba. So you have to do that. Ako, as a filmmaker, it is my responsibility to do that,” ang opinion ng actor.

Pero bago ang MoM na malamang daw ay ipalabas sa February ay may nagawa siyang pelikula. “May bago akong film, The Blood Brothers. It’s about IP, it’s about human. Malapit na pong ipalabas. Kami po ang nag-produce, and I directed it. The Blood Brothers came from the book The Vlog Brothers itself. Written author by Ronald Adamat.”

Sinong mga kasama mo?

“Allan Paule, Victor Neri, Lou Veloso, about human, about our roots kung paano tayo nagsimula. Paano sila na-oppress, paano sila na-displace kahit panahon pa bago dumating ang Kastila. Wala pa kaming playdate but first quarter of next year, 2023. Cinemas kami and then online.”

PHILLIP SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with