^

Pang Movies

Danny, maraming naging ambag sa OPM!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Huling araw ng Oktubre, sa iba iyan ang tinatawag na Halloween night. Nagulat kami nang bigla kaming makatanggap ng message mula sa kaibigan naming si Jeff Fernando na “dead na si Danny Javier.”

Matagal nang may sakit si Danny, at ilang araw nga lang ang nakararaan sinabi pa ng kanyang kasama at kaibigang si Boboy Garrovillo na hindi nga maganda ang kalusugan nito, pero hindi naman inaasahang ganoon kabilis siyang mawawala.

Isipin ninyo, 75 na rin pala si Danny. Hindi halata.

Unang sumikat si Danny sa APO Hiking Society, na kalaunan ay ginawa na lang nilang APO.

Nang sumikat si Danny bilang singer at songwriter, sumikat din ang dalawa niyang kapatid, si George na isang matagumpay na komedyante, at si Jimmy na naging isang mahusay na character actor naman.

Iyong isa naman nilang kapatid na si Sandy, sumikat dahil sa kanyang lechong manok business at kalaunan ay naging congressman at mayor.

Kaya’t masasabi talagang sa kanya nag-umpisa ang showbiz clan sa kanilang pamilya.

Isa rin si Danny, kasama ng composer na si Willy Cruz noon, na nagpatakbo ng Jem Records, na siya namang naka-discover at nagpasikat kay Hajji Alejandro.

Kung iisipin mo ang lahat ng nagawa ni Danny sa industriya ng musika sa ating bansa, masasabi nga na­ting mahirap nang pantayan ng sino man sa ngayon.

Marami nang sakit si Danny. Nagkadamay-damay na ang kanyang internal organs, at ngayon nga ay bumigay na rin. May paniniwala tayong mga Katoliko, kagaya ng sinabi ni San Francisco ng Assisi, “kasunod ng huling araw mo sa lupa, ay unang araw mo sa langit.”

Humabol nga si Danny sa All Saints’ Day.

Joshua, mas napapansin kesa kay Darna?!

Aywan nga ba kung ano ang ipinagmamarakul­yo ng ibang nagsasabing mas may exposure raw si Joshua Garcia kaysa doon sa Darna.

Pero ang netizens ang gumagawa niyan. Mas napapansin nila si Joshua, sikat kasi. Tanggapin naman ninyo na talagang mas sikat siya at mas may fans kaysa kay Jane de Leon, na hindi naman kilala bago nag-Darna. Kaya natural lang na si Joshua ang pinag-uusapan.

Sinasabi pa nila, mas mahaba pa ang role ngayon noong pulis kaysa kay Darna. Nakipaghalikan pa kay Valentina. Eh ano ang magagawa ninyo kung marami ang kinilig sa pakikipaghalikan niya kay Valentina?

Sa orihinal na kuwento, nakuha ang bato ni Darna sa isang bulalakaw. Sa bagong Darna isinalin lang sa kanya ang bato.

Sa orihinal na kuwento, karaniwang dalagita lang si Narda, eh diyan social worker na ito kaya’t iba na talaga ang version nila.

Male starlet, dismayado sa pagkatalo sa contest

Walang duda, napahiya at disappointed ang isang male starlet nang matalo siya sa isang contest sa TV na inaasahan sana niyang magiging simula ng isang mas magandang showbiz career. Natahimik din siya sa social media platforms na dati tadtad ng posts niya.

Ganoon lang talaga ang buhay. You can’t win them all. At saka yumabang daw kasi iyan eh, bukod sa walang utang na loob sa mga taong unang tumulong sa kanya.

vuukle comment

DANNY JAVIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with