^

Pang Movies

Aktres ayaw nang mag-lock-in, mas gusto pang magtrabaho sa abroad!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil hindi raw regular ang trabaho sa showbiz ngayon, binabalak na ng aktres na ito na magtrabaho sa ibang bansa.
Hindi raw mapagkasya ng aktres, na isang single parent, ang kanyang kinikita sa paisa-isang teleserye lamang. Marami raw siyang binubuhay at kailangan niya ng trabahong may sasahurin siya buwan-buwan.
Emote ng aktres: “Ang taping kasi lock-in pa rin, ‘di ba? Kaya hindi ka na puwedeng makatanggap ng ibang raket. Hindi tulad noon bago ang pandemic, puwede kaming rumaket ng show sa probinsya o mag-guesting sa ibang shows kahit na may teleserye. Ngayon kasi, kapag na-swab ka na, doon ka lang sa location at bawal na ‘yung lalabas ka hanggang hindi natatapos ang lahat ng mga eksena mo. Hindi puwede sa akin ang ganyan lang kasi kinakapos tayo sa budget. Paano kung after ng teleserye ko ito, eh walang kasunod? Paano na, ‘di ba?”
Kung nag-iisa lang daw sana si aktres ay kaya niyang mabuhay sa paisa-isang teleserye. Marunong naman daw siyang magtipid at nakaka-survive siya sa mga online businesses niya. Pero dahil may mga binubuhay na siyang mga bata, kailangan maging praktikal na siya.
“Naranasan ko na yung limang buwan na walang regular na sahod. Nabubuhay ko noon ang sarili sa savings ko. Pero ngayon, iba na ang sitwasyon. May iba ka nang iniisip na buhayin, e. Kaya next year, kapag di pa naging maayos ang lahat, tatanggapin ko na yung offer na magtrabaho ako sa ibang bansa.
“Nagkukuwenta ako ng mga gastusin every day. Grabe ang mahal na talaga nang lahat. Hindi lang ako ang dumadaing kundi pati ibang artista rin. Kaya kung wala na talagang choice, work abroad ako. Kasi yun may mga benefits. Makakakuha ako ng educational plan at medical insurance. Ngayon kasi, wala talaga. Hindi kasya ang kinikita ko.
“Susubukan ko lang ng one year. Makapag-ipon lang. Titiisin ko muna malayo sa pamilya ko. Gagawin ko naman ito para sa future nila. Hindi puwedeng nga-nga ako at aasa lang sa ibang tao. Nakakahiya na rin kasi. Gusto kong maayos na ang lahat kahit masakit sa akin ang umalis,” sey pa ng aktres.

Direk Mac, may dalawang pelikula sa AFF

Dalawang pelikula ni Direk Mac Alejandre ang in competition sa Asian Film Festival in Barcelona, Spain ngayong December. Ito ay ang mga pelikulang May-December-January and Silip sa Apoy na parehong sinulat ni National Artist for Film Ricky Lee.
Sey ni Direk Mac: “On the surface level, masaya ako dahil masaya ang mga artista for the festival. Masaya ako dahil masaya ang friends ko. Masaya ako dahil proud na proud ang mother ko at ang family ko sa akin. It makes the people I love and care for happy. The festival is important because the film is given a wider audience. The platform given to the film as an official selection in the festival and it will win awards, may validation of the hard work behind these movies.”
Higit na 30 years na raw sa paggawa ng pelikula si Direk Mac at nagpapasalamat siya na kinakaya pa rin niya ang pressure nang paggawa ng pelikula ngayon.
“I’m old. But I can handle the pressures in filmmaking. Through the years, I’ve learned how to handle pressures. I can contextualize and compartmentalize. Hindi lang naman ang pressures ‘pag gumagawa ka ng pelikula. I don’t compare my movies. Each and every movie has its own story. Mas malaking pressure na pagandahin ang pelikula. Actually, ang gusto ko lang at this point in my career, gumawa ng magagandang pelikula. What I do for Vivamax, pinaniniwalaan ko na maganda ang ginawa namin,” diin pa niya.
Utang na loob daw niya ang kanyang pagiging filmmaker sa mga Filipino directors na hinangaan niya noong student pa lang siya. “Ishmael Bernal was one. Lino Brocka, Mike de Leon, Laurice Guillen, Mario O’Hara, Marilou Diaz-Abaya, Maryo J. de los Reyes. They are all major influences on me. I love the films of Bernal.”

Hollywood actor na si Mark Wahlberg, lumipat para sa ‘better life’

Mula sa kanilang mansion sa Hollywood hills, nagdesisyon ang actor-producer na si Mark Wahlberg na ililipat ang kanyang pamilya sa Nevada.
Ayon sa aktor noong mag-guest ito sa The Talk, ginawa raw niya ang paglipat sa ibang State for his family to have a “better life”.
Apat ang anak ni Mark sa asawa niyang si Rhea: Ella Rae, 19, Michael, 16, Brendan, 14, and Grace, 12.
Marami raw opportunity sa Nevada ngayon: “After this gubernatorial election hopefully we go to legislation and get a bill passed so we can get tax credits from the state.”
Iba pang plano ni Mark sa pagtira nila sa Nevada ay ang magtayo ng “state-of-the-art studio” at tawagin itong  “Hollywood 2.0.”

Nasa plano rin niya ang magtayo ng isang shoe factory para sa kanyang Municipal brand. Magha-hire daw sila ng maraming tauhan sa naturang state. Makakatulong pa sila sa ekonomiya ng Nevada,

MARK WAHLBERG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with